isang gabing may wrong send

may gumimbal sa akin na text message, at mapilit sya. itago ko na lang sa pangalang "frank." actually, nagpakikilala pa siya ng buong pangalan.

"oist, leny, kamusta ka na? c frank ito. naiwan lang celphone ng kasama ko, nakitext lang ako."

:me: wala ako kilalang frank. baka wrong send ka.

Frank: hindi. si leny ba ito?

:me: hindi ako si leny.

Frank: taga-saan ka ba?

:me: manila

Frank: saan sa manila?

[mag-reply pa ba? cge na nga, marami pang load.]
:me: UST, manila. check mo uli number. wrong number ka. Ex mo ba yung leny?

Frank: tanong ko address, hindi school. saan ka nakatira?

:me: Eh, loko ka pala! sa sulucan ako nakatira.

Frank: san yun?

:me: sulucan, sa squatter. holdaper ako sa labas ng UST.


Frank: bakit ka galit?

:me: ah! naiwan ka pala, naghahanap ka ngayon ng pampalipas. [kinausap ko na lang. nakakabwisit na kasi!]

Frank: Leny, huwag mo naman ako biruin na ginaya boy pero leny name mo. Ano ba? san sa manila pls.

[sakyan ko na nga. magpanggap.]
:me: c leny nga ito. bakit?

Frank: Wala iniwan sa akin cel nya. alam q galit ka sakin magpapaliwanag nga sayo pero ayaw mo. ok. goodnight. see you kung magkikita pa kasi galit ka sa akin.

:me: hindi ako galit.

Frank: hindi ka galit bakit ganyan ka sumagot at binabara mo lahat ng tanong ko sayo.

:me: Oh, bakit ka nag-text?

Frank: Nangangamusta lang, pasensya ka na nabigla lang ako kanina. naguguluhan ako sa kasi sabi mo hindi ka si leny. kung ikaw si leny hinahanap ko, san ka sa manila nakatira at anong religion mo. pls. sagot ka ng tama ok?

:me: ano nga gusto mabasa?

Frank: Ano ka ba hindi ako nakikipagbiruan. ang gusto ko lang malaman ko na ikaw nga si leny hinahanap ko kasi nawala number mo at nakita ko sa kwarto sinubukan ko. pls. sagutin mo na tanong ko kung san ka sa manila at anong religion mo dahil pag sinagot mo yan nahanap ko yung cel number na leny hinahanap ko nakikipagbiruan sa akin. thanks.

:me: wag na paligoy-ligoy. Ano ba sasabihin mo?

Frank: kinakamusta lang kita. bakit masama b yun? ok fine gudnight. hindi na ako magtetext. bye. ito lang sabihin ko sayo, gusto ko lang malaman sa mga tanong ko kung sasagutin mo na ikaw nga si leny. ok yun lang.

:me:
c leny nga ito, catholic. [sagutin ko na nga! sana tama ang hula ko...]

Frank: hindi ka naman catholic eh.

:me: nagpa-convert na ako catholic, tsaka lumipat na ako sa sulucan.
Ayun, natauhan na yata. hindi na nag-text ulet.



Related Stories Widget by LinkWithin

4 PEOPLE COMMENTED:

ruselle said...

wahaha.. nakakatawa naman ang post na ito.. hehe..matauhan na ang dapat matauhan.. ahehehe...
Gb+

Bam the Great said...

OMG. May nangyari rin sa aking GANYANG-GANYAN talaga.

Tsk. Mga alipores. Kaligayahan na nila ang mambwisit.

Carlo Rey said...

Ang galing mambara ah!

copyright92 said...

wahehe,.. an0ng service ba yan?? globe?? ehehe... may nagyari na rin sa aking ganyan... nakakatawa nga kasi sinasakyan ko nlng...

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe