Cleto Reyes

yun lang naman ang tatak ng paboritong gloves ni manny pacquiao.

Sabado - 11.18, 7pm
nag-desisyon kami na hindi kami magpapahuli sa panonood ng pacquiao-morales 3. Lintik kasi yang mga nagbabalita ng maaga. Nawawala ang excitement kapag pinanood mo ng slightly- (SUPER!) delayed.

pormang masa, punta sa San Juan Arena, buzzer beater ang pagbili ng ticket. mas mura doon. 250.

Linggo - 11.19, 8am
ang aga! tama ba ito? kay pacquiao, on time! kapag sa trabaho, hindi..

ayun, naghintay ng apat na oras para sa main event. Ang mga undercard, sinulit yung mga laban nila, puro decision. Nagsimula na ang main event. Syempre puro sigawan habang magsasapakan silang dalawa. Pero nung pagkatapos ng tatlong rounds, natauhan kami. Bitin! Sana pinatagal man lang kahit 6 rounds!



Kawawang Morales. Ang tapang maghamon,ayan napala mo!

Naawa ako kay Morales, gulpe de gulat ang inabot. Nagpapayat ng todo-todo, nakalimutang magpa-kondisyon.

Uwian. Antok na ako. Parang naramdaman ko yung mga suntok ni Manny. Nahihilo ako. Hindi ko napansin may hakbang pa pala sa hagdanan.. Ayun, na-off balance. Groggy. Swerte pa rin, hindi ako nasubsob, tsaka konti lang nakakita.. Nakakahiya, pero masayang mag-balik-tanaw..



Related Stories Widget by LinkWithin

0 PEOPLE COMMENTED:

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe