Wah-shigi-shigi

Asian Treasures, which was an assortment of Hollywood ripoffs and screwed Philippine history, just keeps getting worse!

Si Gabriela ay may kababatang nagngangalang Diego, ang kanyang love interest. At natuklasan nyang si Elias ay si Diego! Obvious namang hango sa mag-asawang Diego at Gabriela Silang. Lintik naman talaga, obvious na obvious ang koneksyon.

At ang kanilang destinasyon ngayon, dahil nga Asian treasures, ay Thailand. Naging travel show na ang nangyari. Hanap dito, libot doon. Kelangan dumaan sa mga landmarks at ang karerang ala-Amazing Race at challenges, na mala-Survivor! at syempre may kasamang todo-acting!

Ang magandang ending para dito ay gayahin sana sa pelikulang “The Departed.” Magpatayan na silang lahat! Yun lang! Nakakabwisit na kasi! Hindi na pinag-iisipan, basta may mapalabas lang. Kunsabagay, ano nga naman ang pakialam ng mga mangmang sa mga detalye?

========================

Mabuti naman at may isang bagay akong ikinagalak. Nasulyapan ko na ipapalabas ang Shaider soon! Nag-aagaw-antok ako noon nang marinig ko ang katagang “time space warp, ngayon nah!” bigla akong napadilat!



Miss ko na yung “Wah-shigi-shigi” ng mga alagad ni Fumah-Lay-ar, syempre pinaka-miss ko si Annie, na laging nagpapakita ng kanyang dilaw na tipan. Ganun siguro ang pagpapaseksi nung mga panahon na iyon?

Sana lang yung original ang ipalabas at wag gagawan ng bagong kwento.

Pahabol: nalilito ako kung anong T-shirt ang bibilhin ko, RedOne o Shaider?



Related Stories Widget by LinkWithin

2 PEOPLE COMMENTED:

Marlou said...

Buy mo na lang both Shaider and RedOne! Para Old-school ang dating! astig...


[hey there, nice blog! link ex]

Ederic said...

Ei, san nakakabili niyan? Nasabi na ng classmate namin dati pero nalimutan ko hehe.

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe