masamang damo

Nitong nagdaang araw, dalawang kurakot, este buwaya, ay! VIP pala, ang nakapaglaro kay kamatayan. Masamang damo, matagal mamatay!

una, nag-crash ang helicopter na sinasakyan ni Chavit Singson. nakaligtas pa!! pero wala masyadong matamong sugat, at ang helicopter, konti lang ang gasgas!!! pano nangyari yun? hindi kaya gimmick lang, kagaya ng hostage-drama? marami naman syang pera pambayad, di ba? maganda sana kung nakunan ng video yung crash sabay mala-pelikula na blasting, tapos nandun sila sa loob. nice!

pangalawa, sinugod sa ospital si FG Mike Arroyo dahil daw sa masakit ang tiyan. pero napag-alaman at binuko na rin ng mga doktor nya, na-TRIPLE bypass operation sa puso. sayang! at hindi pa natuluyan. sana tinamaan ng kunsensya yung nag-opera sa kanya at sumablay yung isa dun sa tatlong litid na yun! At nakaka-inis pa, binalita pa ng media na bumubuti ang kanyang kalagayan. WTF! kailangan bang i-sensationalize yung mga ganoung pangyayari? Mas maraming matutuwa, (that includes me) kapag kabaliktaran ang naging resulta! mas newsmakacku sana kung natuluyan sya! mabawasan ng gahaman sa mundo.

Puro sila ang nagkakamal ng pera, pahingi naman ako kahit konti. kung nagawa nilang mandaya sa kamatayan, kaya nilang dayain lahat, lalo na sa eleksyon na ito at sa susunod pang eleksyon.



Related Stories Widget by LinkWithin

1 PEOPLE COMMENTED:

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe