descartes

kanina, wala pala akong baon. kaya nagdadalawang-isip akong sumakay ng bus papunta office. hindi pa ako nakapag-withdraw. saan ako kukuha ng pambayad? buti na lang at may napulot akong pekeng limang piso, pambuo ng pamasahe. hehehe!

ukol dito, bumalik sa isip ko ang nasagap ng aking boom mic sa loob ng bus: [flashback!]

Bus patungong Makati.

Konduktor: boss, saan?
Pax: dadaan ba ito sa LRT?

Konduktor: mali ka nang nasakyan. dun sa kabila ang sakayan. Tatawid ka..
Pax: ah ganun ba? ah sige ho! baba na lang ako dito..
wala namang mali sa kanilang pag-uusap. ang hindi nyo alam, walang pera pamasahe ang pasahero, at sinadya niyang magpakapanggap na walang alam. at sa kanyang pagbaba, malapit na siya sa kanyang destinasyon!
konduktor: boss, saan?
Pax (kulang ang pamasahe): Guadalupe

konduktor: boss, katorse hanggang guadalupe.
Pax: Pwedeng 12 na lang, eto na lang kasi ang barya ko... kasi 1000 yung pera ko. may panukli ka ba?
Gayahin ko kaya sa susunod na maubusan ako ng baon?



Related Stories Widget by LinkWithin

4 PEOPLE COMMENTED:

sherma said...

before, nagkulang na ang pamasahe ko pauwi... kaya ang sabi ko sa konductor na lugar na bababaan ko ay yung sakto sa pamasahe ko pero malayo pa ang bababaan ko... hehehe... pero once lang yan nangyari! =)

L.A said...

am back after the hiatus! naku kung ako kahit p1000 ibabayad ko haha sila mamoblema manukli sakin haha....

Jhed said...

Nagawa ko na yung huling scenario before. A lot of time na nga e. Haha!

Pero hindi ko naman kasi alam na wala akong barya. Kapag nagbigay ako ng P500, minsan.. isasauli nila tapos hindi na ako pagbabayarin. Ang cool di ba?

Sa jeep nga lang yun. :P

Bam the Great said...

Hahaha! May i-share ako. Hihihi. Nagawa ko na yung dalawang yun. Actually, gasgas na nga yung ganung style eh. hehe. Pero panalo yung ka-officemate ng tita ko. Ganito ang nangyari.

Kewl yung officemate nya na yun. Actually, nameet ko na sya. Palagi siyang nagsusuot ng all-black. Wala pang time na nakita ko siya na hindi naka-black. Minsan daw, sumakay siya ng taxi. Malapit na sila sa bahay niya nung narealize niya na naiwan pala niya sa office yung wallet niya. Pinahinto niya yung taxi sa tapat ng isang malaking puno malapit sa bahay nila. Tapos sabi niya sa driver, "teka lang manong, kuha muna ako ng pamasahe sa bahay namin."
Lumapit siya sa puno, kinatok yun at sumigaw ng "Ma, nakauwi na ako!"
Haha! Humarurot yung taxi paalis! hehe.

ASTIG. Grabeh. Totoong nangyari yan.

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe