deejayz 101

Hindi ko nang hihintayin na may mag-tag sa akin.

1. Malambot.

mula nang mauso ang tuksuhan, asaran at panlalait, pinaghihinalaan na akong badaf, bading, bakla, alanganin, at lahat na ng pwedeng itawag dun. Tawagin ba akong "sexy"? kalalaki kong tao, kung sabagay may "sexy" na lalaki. Hanggang tumanda na kami, tumatak na sa isipan. malamya daw, malambot? weak? passive ako, kaya hayaan na natin, dun sila masaya! Eh ano naman kung may baon akong powder na pink at oil-control film? kelangan lang alisin ang mga sebum na yan! at least, nakaka-konek ako sa mga kababaihan, gaya ni Mel Gibson sa "What women wants"

2. Ratsky.

Bakit nga ba "Cyclopean Archives?" Walang kinalaman si Cyclops ng X-men dito. mas luma ang pinaghugutan ko, mala-urban legends! Bakit ba kasi nauso ang pasma? at sa dinami-dami ng pwedeng maging pasmado, eh sa mukha pa! Ayan, walang tigil ang aking hemi-facial spasm, todo-kindat to the max! buti sana kung nakokontrol kong kumindat sa mga magagandang lang, eh hindi! Anytime, anywhere! Nakakawala din ng self-confidence minsan, madalas ay nakayuko na lang ako, o kaya, pipikit ko na lang, kaya isang mata, equals Cyclops, the one-eyed monster! Kaya nagagaya na ako kay Randy Santiago, laging may baon na shades.

Lately, nakita ko sa TV, slow-motion na close-up kay Dennis Trillo, huli ka! napasma na rin siya! kasi puro taping tapos ligo, kahit walang tulog. kaso, malamang bukas makalawa, wala na yun! may pera naman siya pampagamot. (as in continuous medication)

3. Kaya kong kumain ng rice at gravy lang.

TAKE NOTE! KFC Gravy! aangkinin ko yung lagayan ng gravy, gagawin kong sabaw.. Pero hindi ko pa naman nagawang bumili lang ng rice at gravy, walang chicken. Naalala ko dati, malapit na closing ng KFC, humabol kami pamilya.. tapos inubos ko yung gravy, kitang-kita nakasimangot na yung mga crew.. wala na silang gravy para sa kanilang late dinner! kaya siguro pagbalik ko, nilagyan nila ng kadena yung pitsel, "mahiya naman daw ako..."

4. Ayaw kong kumain ng isdang matinik.

Basta ayaw ko ng ma-trabaho, yung paghihirapan at magkakalat ka bago mo pa makain, gaya ng crab. Ipapatanggal ko pa yung mga tinik ng isda, o kaya magpapakuha ng aligi. Dahil holy week, bawal ang pork. Kaya nakatuklas ako ng paraan para na-appreciate ko ang fish. Salamat kay Ate Shawie, masarap na sawsawan ang mayo sa fish, lalo na yung pritong fish.

5. my dream job as a service crew.

Feeling ko yung ang "stepping stone" para makipag-communicate sa mga strangers. Para matanggal ang aking pagiging mahiyain. Eh kaso, strict ang parents ko (hehe!). Ayaw pumayag, hindi na raw ako pag-aaralin pag nagtrabaho ako. ano yun? bubuhayin ko na ang sarili ko? kung natuloy, kayanin ko kaya nakapagbigay ng good customer service?

6. Senti mode.

Attached ako sa bagay-bagay. Nawala yung eraser ko dati. Faber-Castell pa naman yun. ilang araw akong balisa, hindi ko matanggap na nawala na sya, iniwan na ako! Mas malupit dati, noong Grade 3 ako. Naiwan ko yung pencil case ko na bagong bili. yung maraming pindutan, pindutan para lumabas yung sharpener, eraser at kung ano-ano pa. usong-uso noon yun, kaya naman tuwang-tuwa ako ng binili ako ng nanay ko. Dumayo kami ng Math contest, tapos yun nga, naiwan ko yung pencil case, naalala ko na lang, nasa byahe na kami pauwi.. tapos nung naalala ko, bigla na lang ako napaiyak, hindi pala iyak, napahagulgol ako sa lungkot. para tumugil ako sa paghagulgol, ibibili na lang daw ako ulit.. eh sa hirap ng buhay, hindi na ako nabili ulet. Ganun ako ka-senti!

7. isa akong m-athlete.

lumalaban ako ng math contest noong kabataan ko. umabot kami ng NCR level. ganun ako katindi! mula sa isang maliit na paaralang Jan Luna, (unknown kumabaga!) wala magaakala, pati yung teacher ko, na ganun ang kakayahan ko.. yung kinaaayawang word problems, peyborit ko yun!

Nag-try akong kabisaduhin yung Mathemagic, para napadali yung addition, at multiplication, pati yata square-root tsaka exact na araw ng kahit na anong petsa sa kalendaryo. Try lang, nakalimutan ko na rin. wala akong pambili nung mga tape sa homeTV shopping, kaya paunti-unti kong binabasa sa National Bookstore. hindi ko kaya i-shoplift, masama yun, tsaka malaki yung libro, kitang kita ng guard!


8. ang aking one-year jinx.

Ayokong sabihing sumpa ito, kung sumpa man ito ay gusto ko nang matigil sa lalong madaling panahon. nagsimula ito nung high school, nakapasa ako doon sa high school na Pang-agham sa Maynila. kaya lang, isang taon lang ako nag-aral dun. hindi ko nakayanan ang mga gawain doon. sayang kung iisipin, sayang talaga.

Tapos, kolehiyo naman. nakapasa ako doon sa Unibersidad. yung pinaka-aasam ng lahat ng nag-aaral. ganun din. isang taon lang din ako dun. MAS sayang! medyo na-culture shock ako dun. di ko kinaya ang pwersa dun.

kaya ngayon, nagtrabaho na ako, sana naman, wag na maulit. wag sana akong ma-culture shock, wag sana akong malunod sa dami ng tao, wala sanang grueling tasks.

9. i dont put my money on my wallet. pero bilang ko naman kwarta ko..i dont wear watch. can you imagine how messy am i.

10. Nahirapan akong bumuo ng top ten list na ito. Sangkatutak na soul-searching pa ang ginawa ko. Kailangan ko pang magpakalayo-layo pa mag-self-discovery, hehe! exaj!



Related Stories Widget by LinkWithin

3 PEOPLE COMMENTED:

B said...

Wehehe.. Top 10 weird things? Hihih..

Unsugarcoated Reviews said...

alam mo, me konek yang pencil case mong maraming pindutan sa #1 (pagiging malambot)...i'm sure barbie ang design nyang pencil case na yan! uso yan nung mga bata tayo eh...laging pink yan!! at kahit ipagpilitan mo, walang version yan na pang-lalaki hahahaha

Kat said...

haha! ang galing.. reminds me when i was reading Bob Ong's books. nakakatuwa (halata naman natutuwa ako kasi panay comment ko sa entries moh! hihihi)

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe