Hulog ng Langit

Simoy na ng kapaskuhan. Panahon ng pagbibigayan. Pero last Saturday, parang nagpakita si Santa Klaus! Nagsimula ang umaga sa pagbaha ng mga fried chicken ng Kenny Rogers. Pagtingin ko sa kahon, pakana pala lahat ni Mark Jimenez, yung dating kongresista, na nakulong dahil sa pagbibigay ng kontribusyon sa kampanya ni Bill Clinton. Kunyari pang radio program ang inaanunsyo, eh mangmang ka na lang pag naniwala ka. (mag-return of the comeback yata sa pulitika?)

syempre, sumugod ang mga utaw sa namamahala ng pamimigay ng pagkain. (syempre, LIBRE!) abah! bago ibigay, eh, tinatanong pa pala kung ilan ang botante sa bawat bahay! ("eh kung sinasagot kaya kita ng lima, limang kahon din ba ibibigay mo?")

Kakaiba ang panunuyo ni Ninong Mark. Bagong-bago! Pero bilib ako sa kanya, "daig nang maagap ang masipag."

At hindi pa pala natapos dun. Nagpamudmod pa ng pera nung tanghali. Galante talaga! May kasama pang mga babasahin ukol sa buhay nya, pamaymay at holy water (sabi sayo, bago!)

At nang kumalat ang balita, biglang naglabasan ang mga bata, mga batugan, mga sunog-baga, mga daga, aso, etc. mula sa kanilang lungga. Nagmistulang campaign rally sa dami ng dumagsa. Sabi ko nga, kung ganun talaga sya kayaman, pahingi ng negosyo package. (at hindi lang basta negosyo, gusto ko franchise ng Jollibee!)

Sobrang yaman talaga, puro 1000 bills ang baon. 200 lang budget sa isang tao. Groups of 5, bahala na kayong maghatian. May mga ganid talaga, takot mawala ang pera NILA! (as in "pera KO!") Bantay-sarado habang ipinagpapalit para mapaghatian. Syempre, ang mga wais, naka-dalawang hingi. Ayun, nakahalata na yata ang mga alalay nya. Tumigil. Mabuti na lang at nabigyan na kami.

Pagkabasa ko ng talambuhay nya, nagulat ako! Kabayan pala ni Nanay sa probinsya nila. Kung nagkataon, nakakahingi talaga ako ng negosyo package! Pero duda ako sa istorya niya, biglang yaman in 2 years? Hindi man lang nabalita ang kanyang humble beginnings. (naks!) Hmmm...



Related Stories Widget by LinkWithin

0 PEOPLE COMMENTED:

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe