Lost at directions

Depp: Tol, pano ba pumunta ng Gateway Mall?
Deejayz: Sakay ka dyan sa kanto, Cubao FX. (sosyal!)

Depp: ayoko, baka maligaw ako.
Deejayz: Sakay ka LRT2

Depp: San yun?
Deejayz: sakay ka sa recto. Baba ka sa Cubao.

Depp: Malayo pa lalakarin ko?
Deejayz: May hallway na dun, papuntang Gateway

Depp: Bababa pa ako sa istasyon?
Deejayz: Hindi na! (grrr! tanong pa!)

Isa pa.

Depp: Pano pumunta ng Ecoville?
Deejayz: sakay ka MRT sa EDSA, Cubao station, tapos baba ka Buendia Station. (detalyado na this time!)

Depp: tapos? pagbaba ko ng istasyon?
Deejayz: Sakay ka taxi! Sabihin mo Makati Fire station.

Depp: Pano ko makikita yung Makati Fire Station?
Deejayz: Hayyy! Ang laki-laki nun para hindi mo makita!

Depp: Ano gagawin ko pag andun na ako?
Deejayz: Tabi-tabi sila dun! Yung Makati fire station, may katabing Meralco branch, at may katapat ng bangko.(specified syempre kung anong bangko) Sa di kalayuan, mga 20 steps ang lalakarin, yung gate nung Ecoville. Kaya kitang kita yung gate, kasi pwedeng lakarin!

* * *
Hay! Mga taong takot maligaw nga naman! Ang hirap kasi ng may kotse: 2 lang patutungahan nun! Kabisado mo ang mga kalye, o pasahero ka at natutulog sa byahe, kaya bobo ka pag dating sa directions. Buti na lang at pinanganak akong mahirap, walang kotse. Ayan, street smart tuloy ako. Kayang kaya maghanap ng isang lugar nang hindi natatakot maligaw!

Sarap panoorin yung mga yan! Pero minsan kawawa naman, kaya tutulungan mo na! (Wow! Ang bait!) Ano na kaya nangyayari kay Depp, nakita na kaya nya yung hinahanap nya? Nagbilang kaya ng step yun? Ano na kaya itsura nun ngayon?

Yun lang! Balik sa trabaho.



Related Stories Widget by LinkWithin

1 PEOPLE COMMENTED:

cyberpunk said...

ouch, tinamaan ako dun ah... oi, wag mo naman apihin at pagtawanan si depp... kasi pareho kami hehe...

bakit ako wala ring kotse pero bobo sa places? hehe...kahit siguro sa neighborhood namin mawawala ako... natatandaan ko lang pag diretso ang kalye at araw-araw kong nadaraan, o kaya naligaw na ako dun in the past... :D

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe