Fast-paced technology

nadaanan ko lang, meron nang bagong format ng optical disk ngayon, ang Blue-ray Disc. Lalabas na sya sa US market sa June 25. Tignan mo nga naman ang bilis ng teknolohiya ngayon! meron kami DVD player sa bahay, para sa pelikula, pero wala pa akong DVD-ROM o DVD writer sa computer. May mga kakilala ako, CD-ROM pa rin nga ang ginagamit!

Grabe! D hamak na 5x na mas maganda resolution kaysa sa DVD! Sobrang ganda! Ilang pelikula kaya pwede pagkasyahin sa isang disc? 20 blockbusters? Sulit na yun! Lalo nang mababawasan manonood sa sinehan nyan!

Ang bilis magkaroon ng bagong teknolohiya ngayon. Kung ngayon, bagong bili cell phone mo, sa isang buwan, bulok na yan! Sa sobra kong pagmamalabis, iniisip ko tuloy na bumababa ang presyo ng mga gadgets linggo-linggo.

Yun lang. Balik sa trabaho!

***
Personal (kuno!): Happy birthday, Dr. Jose P. Rizal (June 19) bigla kong naalala. Kayo? naalala nyo pa ba?



Related Stories Widget by LinkWithin

1 PEOPLE COMMENTED:

Unsugarcoated Reviews said...

feeling close ke rizal...

oo mabilis na magbago technology, kasi malapit-lapit na rin ma-phase out tayong mga tao...hehe, no kidding... research mo minsan sa internet ang concept na "singularity" :D

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe