cost-cutting

wahhh! ang liit ng sinahod ko. konti lang ang dumadating na trabaho nung mga nakaraang araw. Magpapalit na kasi ng system, gagawin nang online at individual ang processing. Kinakabahan tuloy ako, its every man for himself [ganun ba yun?]

at tinamaan pa ng lintik na TAX ito. hindi ko naman alam na ganun pala kalaki ang ikakaltas sa aking sweldo. kainis talaga! tapos kukupitin lang ng mga putilikong walang humpay sa pagkamal ng linpak-linpak na salapi.

bago pa ako mapunta sa bulok na sistema ng Pinas, napipilitan na akong mag-cost cutting. huhuhu!

1. hindi muna ako manonood ng sine. walang problema, natambakan na ako ng mga hindi ko pa napapanood na DVD. eh malas pa, nasira yung TV namin, kaya wala ring silbi yung DVD. magtyaga muna sa sinaunang 14-inch TV na walang remote. hayyy! pag minamalas ka nga naman..

2. balik sa jeep. dati nag-trike ako papasok sa opis. mga ilang hakbang na lang ang layo sa opis. ngayon, no choice! mag-exercise ulet ako bago pumasok. mga ilang metro din ang layo.. kelangan pumasok pa ng maaga, para hindi naman ako pag-initan ng Haring araw, [at ni apol na rin, syempre.]

3. kelangan mag-diet. kung dati, eh kain dito, kain doon, para may resibo para sa OT [puro dahilan noh?], ngayon kelangan maglagay ako ng limit. Eh kung bakit ba naman may naka-isip kumain sa Chili's, masarap nga, abah, dapat lang! kasi masarap din ang presyo. hayyy! balik muna sa instant coffee, mabigat sa bulsa ang Starbucks.

4-6. kelangan ng maging wais. nagpakalbo na ako, para konti lang ang shampoo, wala nang mga kolorete sa buhok. wala munang internet-surfing sa labas, diet sa DOTA. hindi ko na rin muna iisipin magpalaba sa LABAMURA laundry shop. kelangan makahanap ng raket. patulong naman.



Related Stories Widget by LinkWithin

1 PEOPLE COMMENTED:

Unsugarcoated Reviews said...

hahaha sino nga kaya nakaisip kumain sa chili's?? hmmm...

onga sis, tipid na tayo...gusto ko rin magtipid...kaya bilisan mo na mag-prod nang makauwi tayo nang maaga at sa bahay na kumain...

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe