Subtitled "Shopping Spree part 2."
Ngayon, malalaman ko na kung sino ang mga "religious bloggers" (badet,pahiram ha?!)
Halos lahat ng entry ngayon ay may kinalaman sa nagdaang Bagyong Milenyo. Kaya search lang ng keyword "bagyo Milenyo," makikita mo na ang mga adik sa blog! Well, kasali ako sa kanila!
Ang aking major concern ay ang baterya ng aking celphone. Mabuti naman at hindi ako nag-iisa sa problema ko! Paano ka nga naman tatawag/text sa boss mo kung may kuryente/pasok sa opisina nyo, kung low-batt ka? Kahit mahina ang signal, kahit network busy, nasa sistema na natin ang mag-text.
Namomoblema na rin si utol. Lakad-lakad. Ayun, may generator set ang Ministop dun sa amin. 7-Eleven, wala! (wala lang, gusto ko lang i-type!) Pero parang walang nagpapa-charge ng celphone. Expected ko pa naman na pila yun. Hindi na yata nila naisip na pagkakitaan yun, dahil sangkatutak na ang bumibili ng paninda nila. Paano kaya ako maka-diskarte? Mag-charge na lang kaya kami ng patago? Malabo, ang daming tao, sigurado may nakakapansin.
Kaya lapit sa may-ari ng store (sosyal!), sabay tanong ng "Pwede po bang maki-charge?" Nagulat ang thunder, na parang first time nya narinig na may naghihikahos sa baterya. Pumayag naman at pagkatapos, taas-noo kaming nakisaksak sa outlet nila! Hindi ko na alam ang nangyari pag-alis namin. Mukhang marami nang sumunod na nag-inquire kung pwede maki-charge.
Pagkatapos ng mga nagbagsakang puno, billboards, antenna at lumipad na mga bubong, ang andar ng tao ay papunta sa mga malls, dahil sa blackout sa buong Mega Manila. Pero wala din naman kuryente, generator lang, kaya wala ring kwenta. At nitong nagdaang araw, may 3-day sale pa sa SM Manila.
At sumugod nga ang mga utaw, grabeh, siksikan kahit walang aircon, makapag-shopping lang! Ang lagkit nun! Yuck! Kaya ka nga pupunta ng mall para malamigan, hindi magpapawis! Kaya postponed ang aking shopping.
Kaya hindi totoong naghihirap ang Pilipinas. Kung Biyernes tumama yung Milenyo, puno pa rin ang mga malls. Dedma ang bagyo!
(Sa may-ari ng store, salamat sa libreng kuryente. Malayo ang narating ng battery na yun!)
SM Carpark ito. Sure ako!
4 months ago
0 PEOPLE COMMENTED:
Post a Comment