Believe in Beliefs

Nahahati ang pelikula sa dalawang bahagi: First half at second half. (Nye!)

Ang unang kalahati ay ang paglalahad ng istorya, at may kasamang panaka-nakang katatakutan. Ito ang masayang bahagi, dito ipinapakita ang misteryo.

Ngunit, ang ikalawang bahagi ay medyo sablay. Bukod sa lantarang panggagaya sa paggapang ni Sadako sa The Ring, kulang ang pelikula sa tatawagin nating " finishing kick"

May aral naman akong napulot. Hindi man diretsahang binanggit sa pelikula, pinaalala sa akin ang pagiging tapat sa kabiyak. Sina Sandy (Kris) at Diana (Claudine) ay magkapatid sa ama, kung kaya't di nila alam na sukob ang kasal nilang dalawa.

Ano ang sukob? Ito ay isang pamahiin, na ayon sa mga matatanda: "Ang pagpapakasal ng isang miyembro ng pamilya pagkatapos ng isa pang kasal o pagpanaw, ng ibang miyembro, na wala pang palugit na isang taon.

Sa wari ko lamang, mas nakakatakot ang Sukob, kaysa sa Feng Shui.



Related Stories Widget by LinkWithin

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe