kumpletos rekados


Summer calls for refreshing drinks. kaya nga, nagsulputan parang kabute ang mga nagtitinda nito. Kaya balak kong sugurin ang iba't ibang tindahan ng halo-halo at mahusgahan. Dati kasi, namumulot lang ako ng barya para makapag-Slurpee sa 7-11. [at ang mga nakaw na second serving!]

Syempre, unahin ko na yung tinda sa kanto. Tapos, konting lakad, may Chowking sa 'di kalayuan.. Napadpad na rin ako sa "Little Quiapo" sa likod ng East ave. Lista ko lang mga nanguya ko...

gulaman, saging (plantain), ube, leche flan, macapuno;

sago, garbanzos, pinipig, kaong, nata de coco;

ice cream, langka (jackfruit), mongo beans, kidney beans;

buko strips, melon strips, mais, kamote.


May nakalumitan pa ba ako? Hindi ko na isasali ang yelo at gatas. Automatic na yun eh. Favorite ko nata de coco at kaong, hindi ko kasi alam pinagkaiba nung dalawang yun.. kaya pareho ko na lang paborito..

Ano pa kaya pwedeng isali sa halo-halo? Kamatis? Pinya? Mangga? Kiwi? The Search for the newest ingredient is on..





video whore

Banned Spidey1 trailer:




San Miguel Beer commercial. "Si Boom" lang nakita ko. Wala ako mahanap nung "Si Neneng, anak ni Mang Teban"




Masked Rider Black intro (na-miss ko na, susunod kong hanapin sa Quiapo)



Rudy Hatfield! Hayup sa confidence! Fearless! Batista needs help on his mic work!





sawsaw-suka

EKS-PLO-SIBO!!! [Boy abunda pitch!]

everybody is talking about the kris-james-hope brouhaha.. mala-Monica Lewinsky sa mga revelations. Hindi naman pulitiko, pero national issue pa rin!

Ang nagagawa kasi ng pera. Eh kung poor ka, sa bahay ka lang. walang utusan. walang facial. walang doggie. wala kang ibang gagawin kundi maglinis, magluto, magsaing, maghiwa, maghalo, maghugas ng plato, mag-igib ng tubig, maglaba, magbanlaw, magsampay, magplantsa. [whew!]

Hayyy! Effing kris Aquino did it again! Hindi na natuto! She has everything - career, talent, beauty, brains. but you can't have it all. At eto nasagap ng aking radar, inuna pa ang kapakanan ng ratings. Titignan muna kung mataas ang ratings ng kabila, kung papatulan pa ba. how pathetic!

"Hindi malaman ni Lolit ang magiging reaksyon sa naging sagot ni Hope nang itanong niya kung paano nila nairaos ni James sa loob ng isang maliit na kuwarto ang kanilang makamundo na pagnanasa. Ang sagot ng straightforward at honest na si Hope? 'Dog-style po, Manay.'"

anong goal niya para kaladkarin ang sarili niya sa kahihiyan? bukas makalawa, artista na rin si Hope. O gagawan ng episode sa "Magpakailanman." [malabo sa MMK, gago!]

O dagdag na column sa FHM, "The Big Bird Confessions"

When it rains, it pours. Pag minamalas nga naman, hindi pa nasali si James Yap sa Final 12 na bubuo sa Team Pilipinas basketball na lalahok sa international competitions.

Abangan ang SU-SU-NOD! [Boy abunda pitch ulet!]





bente-tres


The movie is about the transformation of a "normal" family man (Jim Carrey) to a man obsessed with the number 23, thus connecting every info to the number.

Maganda, basta, ang ganda ng twist. A typical pinoy movie, pero sa dulo pinakita yung twist. Hindi sa umpisa. Although maraming poor reviews, nasasabi kong "the movie was done in good taste." Good performance by Jim Carrey, but he is no Robin Williams. [at least for now.]

Nagtataka lang ako, wala explanation kung bakit 23. Ibig sabihin, may misteryo nakatago si Michael Jordan? Pwede namang #24, 25, 26, 27, blah, blah, blah. Ewan ko, parang math puzzle ang nangyari. kailangang may konek sa number 23.

try ko nga... First name ko, 5 leltters, then may kasunod na anim. Matipid kasi yung apelyido ko, 3. So 5 + 6 + 3 = 14.

4 + 1 + 22 + 9 + 4 = 40.

10 + 21 + 12 + 9 + 21 + 19 = 92.

12 + 1 + 15 = 28.

4 + 0 + 9 + 2 + 2 + 8 = 25. Nahihilo na ako sa pag-add.





i got 149!

nakita ko itong habang nag-blog hop. Nilaro ko na rin, pampalipas oras. Kelangan ng hand-eye coordination [actually, finger lang, click mo lang yun mouse eh!] nakaka-adik, pagkatapos ng 48 years, napagod din ako, ayun ang aking nakayanan sa baba.


UPDATED 2.14.2007. Check ko yung high scores... AMF! 2050 ang record! Hmmm... Kaduda-duda, totoo kaya yun? Ano na kaya itsura ng daliri nya, nakasemento na dahil nangalay?

At dahil sa aking angking husay sa pag-usisa sa mga bagay-bagay, naisip kong wag na kayong paalisin sa aking blog, at dito na maglaro. naisama ko na bagong version sa dako pang ibaba... Tara! Laro pa!





pissed

Have you heard about radio stations, changing formats? Must have something to do with the ratings game..

I read about Heart 103.5 (previously, K-Lite) and Hit 99.5 (99.5RT), changing names, and formats. And I was surprised when a friend told me about the latest casualty of this trend, Barangay LS 97.1 (which was GMA7's Campus Radio). At first, I ignored it, thinking that was just a rumor. Then my brother told me he heard a DJ saying "We're signing off as Campus radio," over at the UP Fair.

WTF? What happened!!?? The management had shifted on catering the masses, obviously, for more advertising, resulting for money, money, money. Just like what they've done on TV. Management sucks! Bigtime!

Now, the DJs speak in Tagalog, even cracking senseless jokes! [Kukurukuku, anyone?] Now, I've been hearing it over the buses and jeepneys. I'm really disappointed. I've been listening to them during my high school years, due to the hip style, where they play those current hits. Now, I wonder, can you please come up with MTV radio, since i haven't seen it on TV the past few days.

Updated: Feb.25: Sign up the petition to bring back "Campus Radio" format. I doubt it would work. Just enjoy reading what other listeners' reactions.
http://www.petitiononline.com/boolsfm/petition.html

-----

another thing i'm pissed on, is dubbing, or tagalizing, which of course, translating into tagalog. I'm not an addict of these chinovela, koreanovela, mexican, nippon crappola. (i watched some, in fairness.) even anime, i quit watching anime, once they flooded the boobtube. i wonder, do Power Rangers really speak our language? oh come on. Free TV no longer educates these kids. Show it as it is, and let these kids to appreciate and learn the English language?

Damn it, even the songs were translated, piracy all over the place.

one example is Adam Sandler's "Grow old with you." searching the Net for info, and i found out that Vhong Navarro has its own rendition, was which translated (again, to cater the f***ing masses). How can we be creative and all?

It goes something like this:
Itong awiting ito ay alay sa iyo
Sintonado man ‘tong mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda

Patatawanin kita pag di ka masaya
Bubuhatin kita pag nirayuma ka na
O ka’y sarap isipin
Kasama kang tumanda

Ibibili ng balot pag mahina nang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang, di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa 3001

We'll, as common knowledge that is, Pinoys are great copycats. *Sigh!*





Shoppers from hell

panahon na naman ng mga sale sa mga mall. matrapik na naman ang mga kalye. sa aking pagmamasid, nakapagtala ako ng iba't ibang uri ng mga shoppingera:

1. The Delaying Buyer. Syempre, uunahin natin yung medyo slight muna. Ang tagal pumili, todo-compare pa kung saan makakamura. Kung sasamahan mo sila, ihanda ang katawan sa matagalang paglalakad. Lakad dito, balik na naman. Yan ang shopping!

2. The Grabber. Makikipag-unahan sila sa mga natitipuhan nilang produkto. Tipong amazing race ang drama. Handang makipag-agawan kung kinakailangan.

3. The Garbagelady. sa tagalog, basurera. sila yung mga namumulot pagkatapos iwan ng iba. Kailangan talaga may kumuha at magsukat, at magbalik, bago niya ito subukan.

4. Hawi Queen. Kagaya ng mga Grabber, todo- box out, bawal singit sa kanilang pwesto.

5. Dampot-at-dukot. Halukay-ube ang drama ng mga ito. Talagang maghahanap pa sa kaila-ilaliman ng mga nakasabog na paninda. Malay mo nga naman, baka may nakatagong ginto sa ilalim.

6. The Fakers. Sila ang mga nagpapadagdag ng mga tao, nagpapalamig. mga kunyaring bibili. tatanong pa yan, aakalain mong mamimili.

7. The Sure Shopper. "Miss, maliit. meron kayo medium size." "Ay, masikip, miss, pwede size 29, 30, 31, 32." Isusukat lahat ng sizes, kailangan sakto ang fit. Pagkalaunan, "Ay! wala magkasya! wag na lang!" Kung ako ang mag-assist sa kanya, kainis talaga! i-fold ko ulit lahat yun!

8. The Copy Cat. Ang mga gaya-gaya, puto-maya. May nakitang magandang dress, "Miss, meron pa kayo nung katulad sa naunang bumili? O kaya naman: "Miss, meron ba kayo nung damit ni [kahit sinong celebrity]?"

9. The Brand whore. Eh, ano pa nga ba? Sila yung naghahanap ng tatak. Kailangan may pangalan na ang kanilang produkto. Kahit hindi bagay sa kanila, at least, may tatak! Eh ano namang meron sa Guest, Manga, Girbod, at kung ano-ano pa. At dapat, kita yung tatak na nakasulat sa damit. Talagang pag-iipunan pa, para status symbol. They belong! Isali na rin pati ang paperbag! Naman!

10. The Walking time BOMB. bomb, as in bomba, putok, KA-BOOM !! wag kang magkakamaling kunin yung damit pagkahubad nya, sigurado mahahawahan ka ng amoy! Meron namang deodorant!

Ang matindi pa, pagkatapos mong nagpagod sa pakikipagsisikan, wala kang napamili.

Nakakaaswa na rin umikot ng umikot sa mall. Para syang magnet na nangunguha ng inyong salapi, hindi naman pwede pumunta ka lang dun, mapapagastos ka talaga (kahit pamasahe!) At heto na naman, pag natataon na ang 15 at 30 sa Friday-payday, kelangan kong labanan ang pwersa. Wahhh! Kailangan kong magtipid, pipikit na lang at magpapanggap na bulag. Sino naman ang aakay sa akin?





Float craving

We've been craving for Coke float these days. Yung tipong bitin talaga yung isang order, kung kaya't ang mga mauutak, bibili ng sundae tsaka Coke Litro. Wais! Nakakamiss na rin ang lasa ng A&W rootbeer float. Nalugi kasi sa 'Pinas.

In line with Valentines Day, mapatingin ako sa papermat ng Mcdo, Coke Float Love Spell.

To catch the eye of your crush, begin with a Coke Float. Hold the Float using the hand you extend when accepting an object from someone else. This act symbolizes an invitation to that special someone. Stir your Coke Float as you think of that special person.

Recite this chant three times while stirring:
"With my aim true, I read this quote. May love find me as I sip my Float"
Keep stirring the Float until the sundae and hot fudge have blended with the Coke. Close your eyes and take three sips, still thinking of that special person.
ibuhos mo na ang isang pursyento ng concentration mo, baka sakaling gumana... samahan mo na rin ng iba pang orasyon. Habol na sa mga walang ka-date.

wishing! eh hindi naman masarap pag todo-halo na yung sundae sa soda... hold the float? leche. iba na lang ang hawakan. *wink* stir your float as you think of that special person. may stir ka pang nalalaman, kunyari discreet! hold IT then, DO it, as you think of that special person. hawa-hawa na ng kamanyakan!





Vendo-garage

The idea is like an uber-advanced vending machine. You park your car on a platform, get out, and let the parking garage take over. The platform is lowered into the ground, and transported to a vacant parking spot, shuffling around with the other cars to fit as many cars as possible into as little space as possible. When you want your car back, you just ask the garage to bring it back, and it shuffles the cars around again to pop yours back up onto the platform: facing the street this time!!!

Naks! high-tech! kung ang vendo machine, may glitches at errors, syempre, hindi mo maalis ang magduda. Kung vendo lang ng soda, ok lang. maliit na bagay lang. Pero kapag kotse na ang usapan, haha! Paano kung maling sasakyan ang lumabas? Swerte naman nung libreng upgrade ng sasakyan..

Pano kaya kung nawala mo ang ticket mo? O kaya kinain, dahil hindi ma-recognize? Hassle! At ang bayad, ginto! $25 = 1250 pesos kada araw. whew!







reality check

"Hello Philippines, Hello world!"

Malamang alam nyo na ito, pero hindi ang iyong inaakala. ngayong kapanahunan na ng eleksyon, mas mabuti pa at wag na nagpa-audition ng mga housemates. Silang mga pulitiko na lang ang ilagay sa loob ng bahay sa loob ng 100 araw! laking katipiran na rin para sa walang katuturang mga poster, tarpaulin, public appearances, pakitang-tao, atbp.

Magkaalaman na ng totoong kulay. Ikulong sila sa loob ng bahay ni Kuya! Maghapon, magdamag silang mag-debate. Lahat naman sila marunong, nagmama-marunong at nagmamagaling. Kayanin kaya nila makipag-plastikan sa loob ng 100 araw? Meron kayang magsasapakan, magtatarayan, kung pwede, magbarilan at magpatayan na rin sila... (jungle-survival, haha!)

Hindi na sila karaniwang tao, gusto ko lang makita kung ano ang ikinikilos nila kapag walang staff, spokesman, PR consultant, bodyguards, goons, atbp. Magkaroon kaya ng mga kissing scenes o baka may magladlad na ng kapa. John-O! Hmmm, ang saya!

Pumatok kaya ito sa mangmang na naghihintay sa kanilang pagkanta, pagsayaw at mga mabulaklaking pananalita.

At ang botohan para sa mga magiging winners: text, votes cards, at online votes na rin! Wala nang eleksyon, gastos pa sa pagrehistro, flying voters, dagdag-bawas, vote-buying at kung ano-ano pang pandaraya... Laki nang kikitain ng gobyerno, wala nang gastos sa pagpapatakbo ng eleksyon, kumita pa sa text! Bakit kasi may mga taong gahaman sa pondo at uunahin pang kumita?

Hay, dudugo na naman pala ang tenga ko sa walang kamatayang "SA PAGBABALIK..." na laging tinitili ni Toni G. tsaka yung mga sangkatutak na adlib.





ROCkestra: THE fake sound OF progress. UP Fair. Feb16, 07



The Beta Epsilon Fraternity, in association with Rakista.com, presents - ROCkestra: THE fake sound OF progress.

The UP fair is a weeklong series of concerts spearheaded by the University Council of the University of the Philippines in celebration of the University's Foundation Day. Each night of the UP Fair is organized by different student organization. Historically, the Friday Night is the most attended night of series being the last day of the school week, an expected 10000 people or more will rock the night. It has also been that the Friday Night must have something new, making it very different and more exciting among all the nights in the series.

Rakista.com will have a booth for the members and also be selling shirts and other rakista merchandises. Shirts will only cost P250 - P270.

The highlight of this concert is the performance of Parokya ni Edgar accompanied by an orchestra (13th Ensemble).

ROCkestra: THE fake sound OF progress
February 16, 2007
UP Sunken Garden



Ticket Price: 85 pesos, buy 10 tickets get free 1 ticket. Buy rockestra shirt for P220 and you’ll get 1 free ticket.

Featuring:

Parokya Ni Edgar, Moonstar88, Mojofly, Imago, Itchyworms.

Rocksteddy, Chicosci, Queso, Typecast, Mayonnaise.

Cybell's Robe, Breastpheed, Maryz Ark, Drivethru, Matilda.

Mana, Sandlady, Trauma, 18th Issue, K8screw

Sibuyas Online, Menaya, Soapdish, Ang Banding Shirley, Oi Wag D2.

Up Dharma Down, Valley Of Chrome, Slapshock, Kiko Machine, Sacramento

The Brew, Radioactive Sago Project, Silent Sanctuary, La Passionaria

Peace Pipe, Kampai, April Morning Skies





have your own iPhone

kung hindi ka na makapaghintay sa iPhone, dahil sa susunod na taon pa sya ilalabas sa Asia...

o, sadyang wala kang budget para bilhin ito... o, para mag-trip lang sa mga snatcher na yan!

pwede ka namang magpanggap! gumawa ng replica ng iPhone,
eto, click mo jan -->Do-it-yourself





Apocalypto

Recently watched Mel Gibson's Apocalypto, its not as gore as I expected. "The Departed" is more shocking and gore!
It's R-18, so showing is so scarce, it's not shown at the nearby SM.

Well, for my review, this movie took me into another place and time. It's like you are right there watching them upclose from afar, ala-national geographic, haha!
Mel Gibson has a lot of creative juices, given that he's not drunk.

I expected that the movie tackles about the Mayan civilization, at least they were brought to the city, sold as slaves, as sacrifice. The rituals, I won't elaborate anymore, hehe! but its ok, you can tolerate the gore! The characters talking in native Mayan language. the subtitles might bother you at the start, like watching a foreign film. But action scenes don't have scripts anymore, unlike our classic Pinoy movie.

Whew! I somewhat enjoyed the movie, watched the longest chase scene ever made! I wish I could have their extraordinary stamina, being hurt(speared) and all, still running full-speed nonstop, day and night. I suppose when you're running for dear life, you'll forget how to be "tired." We went on a debate on what animal was chasing them? my friend said 'twas a jaguar, having a connection to Jaguar Feet, and i insisted 'twas a panther. Hehe! Turns out to be a jaguar! [Poor zoology memory!]

I was not satisfied at the ending. since im transported in ancient times, im craving for more bloodbath! more suspense! more carnage! i want them all dead! [rrrawl!]

Flashback: Went to Gateway mall, anyway. As I look around, i noticed the security. I wonder, what could be the benefits being one? Haircut? Facial? Makeover? Hmmm, I can say is... well-groomed. Starstruck!

As for my glutton, we gave Taco Bell another shot. We both had not-so-good tastebud experiences with the tacos. I tried the burrito, while my friend chose quesadilla. Not bad, filled stomachs! But I forget to take my cam out, since i turned myself into camwhore mode these days, hahaha!

Improving, the cinema lobby are now filled with seats. Unlike before, when I seat on the floor waiting for the next screening. now i can't take my cam out. Hello! cinema premises! grounds for piracy! Hay, still dreaming to have my pics with the seats and the garden backdrop nearby.





Resolutions

Ok, it's way too late for 2007, but not for the Chinese new year, hehe! My 2006 is highlighted by, at last, joining the workforce, naks! That was good, for me and my family, (of course!ok for one th they keep nagging me to loat time). So hopefully, it will be continued progress for us.

Resolutions! Although it will be neglected after some time, but for me, its a must. It's for my self-improvement, naks!

- Spend more time with my siblings. (bonding and Jawo times!)
- Spend time discovering more about Prunes 101..
- Master time management, i have to manage myself, as a son, brother, subordinate, student, loner, friend, confidante, lover. (whew!)
- My alarming tardiness! (OMG! it's getting worse!)
- Be able to explore serene sceneries.
- I have to learn a thing or two. (Gosh! My pileup of to-dos!) And I miss fantasy NBA.
- Gain weight, gain weight, gain weight!
- talk, talk and more talk. Improptu talk, i mean, getting acquainted and all. I need to learn the art of sweet-talking!
- Have that confidence, that's what everybody is looking for from me.





Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe