"Hello Philippines, Hello world!"
Malamang alam nyo na ito, pero hindi ang iyong inaakala. ngayong kapanahunan na ng eleksyon, mas mabuti pa at wag na nagpa-audition ng mga housemates. Silang mga pulitiko na lang ang ilagay sa loob ng bahay sa loob ng 100 araw! laking katipiran na rin para sa walang katuturang mga poster, tarpaulin, public appearances, pakitang-tao, atbp.
Magkaalaman na ng totoong kulay. Ikulong sila sa loob ng bahay ni Kuya! Maghapon, magdamag silang mag-debate. Lahat naman sila marunong, nagmama-marunong at nagmamagaling. Kayanin kaya nila makipag-plastikan sa loob ng 100 araw? Meron kayang magsasapakan, magtatarayan, kung pwede, magbarilan at magpatayan na rin sila... (jungle-survival, haha!)
Hindi na sila karaniwang tao, gusto ko lang makita kung ano ang ikinikilos nila kapag walang staff, spokesman, PR consultant, bodyguards, goons, atbp. Magkaroon kaya ng mga kissing scenes o baka may magladlad na ng kapa. John-O! Hmmm, ang saya!
Pumatok kaya ito sa mangmang na naghihintay sa kanilang pagkanta, pagsayaw at mga mabulaklaking pananalita.
At ang botohan para sa mga magiging winners: text, votes cards, at online votes na rin! Wala nang eleksyon, gastos pa sa pagrehistro, flying voters, dagdag-bawas, vote-buying at kung ano-ano pang pandaraya... Laki nang kikitain ng gobyerno, wala nang gastos sa pagpapatakbo ng eleksyon, kumita pa sa text! Bakit kasi may mga taong gahaman sa pondo at uunahin pang kumita?
Hay, dudugo na naman pala ang tenga ko sa walang kamatayang "SA PAGBABALIK..." na laging tinitili ni Toni G. tsaka yung mga sangkatutak na adlib.
3 months ago
1 PEOPLE COMMENTED:
agree ako dian!
at mas maganda pa kung di na papalabasin sa bahay ni kuya/ate ang mga politiko na yan. Hayaan na lang na magpatayan sila sa loob! wahaha!
Post a Comment