I just hate cats, at all. They are not living to their sole purpose. During my toddler years, they used to tell about this food pyramid, that cats chases and preys mouse. Nah, not anymore. How can they chase/indimidate/bully something if they're of the same size?! City rats have grown up as big as my fist. And now, they're both living in harmony! Then, i recall these pests often poop at our rooftop. worse, i was the one who cleaned their mess! And a special mention on their endless moaning and catfights!
Fast forward to present, socialized friggin' cats! our neighbor has a small cafeteria and thus leftovers serve as a meal for these pests. Now, they're pooping near our doorsteps. The smell of their shit stinking in our living room!
And kitties popping out every month brings me to my boiling point! I saw this black fat cat on my way out of our alley, looks like preggy, I just want them to be vanished! Please stop the population explosion!
And also, my highly-socialized pet dog, won't even harass these kittens! Worse, he's been intimated by their number!
Cat-opolis
Categories: reklamo
Wah-shigi-shigi
Asian Treasures, which was an assortment of Hollywood ripoffs and screwed Philippine history, just keeps getting worse!
Si Gabriela ay may kababatang nagngangalang Diego, ang kanyang love interest. At natuklasan nyang si Elias ay si Diego! Obvious namang hango sa mag-asawang Diego at Gabriela Silang. Lintik naman talaga, obvious na obvious ang koneksyon.
At ang kanilang destinasyon ngayon, dahil nga Asian treasures, ay Thailand. Naging travel show na ang nangyari. Hanap dito, libot doon. Kelangan dumaan sa mga landmarks at ang karerang ala-Amazing Race at challenges, na mala-Survivor! at syempre may kasamang todo-acting!
Ang magandang ending para dito ay gayahin sana sa pelikulang “The Departed.” Magpatayan na silang lahat! Yun lang! Nakakabwisit na kasi! Hindi na pinag-iisipan, basta may mapalabas lang. Kunsabagay, ano nga naman ang pakialam ng mga mangmang sa mga detalye?
========================
Mabuti naman at may isang bagay akong ikinagalak. Nasulyapan ko na ipapalabas ang Shaider soon! Nag-aagaw-antok ako noon nang marinig ko ang katagang “time space warp, ngayon nah!” bigla akong napadilat!
Miss ko na yung “Wah-shigi-shigi” ng mga alagad ni Fumah-Lay-ar, syempre pinaka-miss ko si Annie, na laging nagpapakita ng kanyang dilaw na tipan. Ganun siguro ang pagpapaseksi nung mga panahon na iyon?
Sana lang yung original ang ipalabas at wag gagawan ng bagong kwento.
Pahabol: nalilito ako kung anong T-shirt ang bibilhin ko, RedOne o Shaider?
Categories: reklamo, television
cost-cutting
wahhh! ang liit ng sinahod ko. konti lang ang dumadating na trabaho nung mga nakaraang araw. Magpapalit na kasi ng system, gagawin nang online at individual ang processing. Kinakabahan tuloy ako, its every man for himself [ganun ba yun?]
at tinamaan pa ng lintik na TAX ito. hindi ko naman alam na ganun pala kalaki ang ikakaltas sa aking sweldo. kainis talaga! tapos kukupitin lang ng mga putilikong walang humpay sa pagkamal ng linpak-linpak na salapi.
bago pa ako mapunta sa bulok na sistema ng Pinas, napipilitan na akong mag-cost cutting. huhuhu!
1. hindi muna ako manonood ng sine. walang problema, natambakan na ako ng mga hindi ko pa napapanood na DVD. eh malas pa, nasira yung TV namin, kaya wala ring silbi yung DVD. magtyaga muna sa sinaunang 14-inch TV na walang remote. hayyy! pag minamalas ka nga naman..
2. balik sa jeep. dati nag-trike ako papasok sa opis. mga ilang hakbang na lang ang layo sa opis. ngayon, no choice! mag-exercise ulet ako bago pumasok. mga ilang metro din ang layo.. kelangan pumasok pa ng maaga, para hindi naman ako pag-initan ng Haring araw, [at ni apol na rin, syempre.]
3. kelangan mag-diet. kung dati, eh kain dito, kain doon, para may resibo para sa OT [puro dahilan noh?], ngayon kelangan maglagay ako ng limit. Eh kung bakit ba naman may naka-isip kumain sa Chili's, masarap nga, abah, dapat lang! kasi masarap din ang presyo. hayyy! balik muna sa instant coffee, mabigat sa bulsa ang Starbucks.
4-6. kelangan ng maging wais. nagpakalbo na ako, para konti lang ang shampoo, wala nang mga kolorete sa buhok. wala munang internet-surfing sa labas, diet sa DOTA. hindi ko na rin muna iisipin magpalaba sa LABAMURA laundry shop. kelangan makahanap ng raket. patulong naman.
Categories: reklamo
pissed
Have you heard about radio stations, changing formats? Must have something to do with the ratings game..
I read about Heart 103.5 (previously, K-Lite) and Hit 99.5 (99.5RT), changing names, and formats. And I was surprised when a friend told me about the latest casualty of this trend, Barangay LS 97.1 (which was GMA7's Campus Radio). At first, I ignored it, thinking that was just a rumor. Then my brother told me he heard a DJ saying "We're signing off as Campus radio," over at the UP Fair.
WTF? What happened!!?? The management had shifted on catering the masses, obviously, for more advertising, resulting for money, money, money. Just like what they've done on TV. Management sucks! Bigtime!
Now, the DJs speak in Tagalog, even cracking senseless jokes! [Kukurukuku, anyone?] Now, I've been hearing it over the buses and jeepneys. I'm really disappointed. I've been listening to them during my high school years, due to the hip style, where they play those current hits. Now, I wonder, can you please come up with MTV radio, since i haven't seen it on TV the past few days.
Updated: Feb.25: Sign up the petition to bring back "Campus Radio" format. I doubt it would work. Just enjoy reading what other listeners' reactions.
http://www.petitiononline.com/boolsfm/petition.html
-----
another thing i'm pissed on, is dubbing, or tagalizing, which of course, translating into tagalog. I'm not an addict of these chinovela, koreanovela, mexican, nippon crappola. (i watched some, in fairness.) even anime, i quit watching anime, once they flooded the boobtube. i wonder, do Power Rangers really speak our language? oh come on. Free TV no longer educates these kids. Show it as it is, and let these kids to appreciate and learn the English language?
Damn it, even the songs were translated, piracy all over the place.
one example is Adam Sandler's "Grow old with you." searching the Net for info, and i found out that Vhong Navarro has its own rendition, was which translated (again, to cater the f***ing masses). How can we be creative and all?
It goes something like this:
Itong awiting ito ay alay sa iyo
Sintonado man ‘tong mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda
Patatawanin kita pag di ka masaya
Bubuhatin kita pag nirayuma ka na
O ka’y sarap isipin
Kasama kang tumanda
Ibibili ng balot pag mahina nang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang, di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa 3001
We'll, as common knowledge that is, Pinoys are great copycats. *Sigh!*
Categories: reklamo
Inbisibol
I've been ignored by people lately. Do I look like a bum? Or just the indecisive-unassertive-unconfident me showing off involuntarily?
I need help, desperately...
Categories: reklamo
M-athlete
hay! bakit ba ang daming hate na hate ang math? Dahil ba sa numbers, o sa mga x's at y's na naglipana?
eh ginagamit naman sa tuwi-tuwina ang pagkwenta ng kwarta!
kung tutuusin, hindi applicable ang ilan.. tulad na lamang ng mga age at mixture problems, mala-brain twister ito. eh, lalo na ang mga work problems, pang-Math Olympics kumbaga! hahaha!
eh ang Trigo? kamusta naman ang mga angles?
Ang paniniwala ng karamihan, pag matalino ka sa math, kabaligtaran naman sa English and vice versa. Teka, paano ka makakasagot kung hindi mo lubusang naiintindihan yung tanong? Ipapa-translate mo pa sa Tagalog, para maintindihan mo? Ano yun? Kalokohan!
bakit ninyo naman ako sasabihan na mayabang, kung nasasagutan ko man ang mga math problems na ito? Regalo ito ng nasa Itaas, dinevelop ko lang. At hindi ko naman ipinagdadamot ang pagtuturo nito. All you have to do is ask..
Higher math? ibang usapan na yan? Kay Einstein na kayo magtanong!
Fish bone
Nangyari na ba sa inyong natinik? (Natural! Hindi ka tao pag hindi pa!)
Tanginang tinik yan! Sobrang kapit! Sya ang dahilan kung bakit ayaw kong kumain ng isda!
Sinubukan ko na uminom ng tubig, baka natulak ng tubig.. No success!
Hanap ng saging! Patay! Walang saging! Kung kelan mo kailangan, tsaka wala. Pag merong saging, pipilitan pa ako ni warden na kumain!
Ang hirap lumunok, ha?! Gusto kong nang sungkitin sa ngala-ngala ko.
Hmmm! May pumasok sa utak ko! (Ting!) MacGyver mode na ito! Ang stock kong marshmallow!
Success! Wais ito! Innovation comes from necessity!
A taste of the State University
Last Sunday, I accompanied my sister who is taking the UPCAT! It was a way of testing the waters for her, the time-pressured environment, i mean.
A decade after my own UPCAT version, many things changed. Tiangges are all over the Sunken garden. (UP fair na ba?)
Well, another convergence of various people from different cultures (status!)
There were this conio gals. so ingay, doing kwentuhan to one another!
Then there were some who thought UPCAT was a family affair, bringing their family along. (Together with banners! Go! Go! You can do it! Haha!)
And there were those unprepared, who were lost in the middle of the forest. (Are we there yet?) *grin*
So, they thought UP would bring to a better future? Think again. Assess again. What's next after passing the UPCAT? Are you really CAPABLE to survive the war (exaggerated!) UP system is going to give you? (unless you're an Einstein-wannabe)
Categories: reklamo
Buwis-it
Nang ako'y kumain sa isang foodcourt, sige, pili lang nang kakainin. Yung combo meal, syempre..
Abah, nagulat ako nang sabihin kung magkano ang babayaran ko, more than I expected. Wala man lang nakasulat na, "Prices are exclusive of VAT."
Pang-attract kasi sa customer yung presyo na nagtatapos sa 9. Sa mata ng mga dukha, malaki na ang pagkakaiba ng 79 sa 80.
Sa America nga, may .99 pa silang nalalaman.
Bakit naman kasi mayroon pang breakdown ng VAT? tsaka, ang hirap mag-compute ng 12%, dati 10% lang, madali lang, urong mo lang yung decimal point, tapos dagdag mo dun sa orig. price. (Pinoy Henyo!)
Yun lang! Pa-impress uli sa trabaho!
Categories: reklamo
Pulitiko Posters
first time ko mag-post about politics! Eksakto sa SONA ni GMA!
hindi ba kayo naaasar sa mga naglalakihang posters ng mga politikong, kulang na lang ay ipagsigawan na: "may utang na loob kayo sa akin dahil sa proyekong ito!"
ito ay napansin ni Rep. Teddy Casino, at gumawa nang bill ukol sa pag-kontrol ng mga nasabing posters.
ang tanong: pansinin kaya ito ng kanyang kapwa-Congressmen? syempre hindi, noh? paano pag wala nang posters? Hindi na mabango yung pangalan nila sa mga botanteng mangmang!
Maghahanap pa ako ng mga kapuna-punang posters...
yan lang muna sa ngayon! Pa-impress uli sa trabaho!
Categories: reklamo
Captain Barbell's Non-Original Story

An extreme rip-off of Smallville. Isumbong ko kaya sa Warner Brothers for infringement...
Kahit simula pa lang, hindi man lang ibahin yun kulay ng sasakyan.
May love triangle din!
Meron ding mag-amang, walang alam kundi magpayaman at gustong angkinin ang lahat! At gustong malaman ang sekreto ng superhero.
Richard Gutierrez - CK/Kal-El/Superman
Richard Gomez - Lionel Luthor
Patrick Garcia - Lex Luthor
Camille Prats - Chloe Sullivan
Rhian Denise Ramos - Lana Lang
Anyway, reality sucks! Considering the education of today's youth are getting, the English language is no longer appreciated. I'm not saying that I'm very fluent speaking the language, at least I'm trying to improve my craft (composition-wise).. We're the Transformers, G.I.Joe, T-M-N-Turtles, Sesame Street generation.
Not like now that it's all tagalized.
Back to Captain Barbell, they're targeting the masa people, D-E class. (as always) Worse, even my dad is hooked! Damn! I have to compete for Smallville Tuesdays! (to have peace in the house, I need Smallville DVDs) How many of us still appreciate foreign shows?
Its ok to watch these celebrities in action. But if the story is redundant, I don't think I'll watch it anymore.

Categories: reklamo
Rants in a bluemoon
Minsan sa buhay ng isang tao, hindi mo maiiwasang napuno sa hinanakit. Kaya ito, isusulat ko na lang, kaysa naman magwala ako sa inis:
Masubukan mo na bang mautusan ng ermats mo? (syempre naman! ano ka, astig?)
Eh, ang mapahiya dahil sa pinag-uutos nya?
Eto nangyari sa akin kagabi ng mautusan ako bumili ng Max's fried chicken. Syempre, ang huwarang anak, mabilis pa sa alas-kwatro. Pagdating dun, order agad ng chicken. Ang hindi nila alam, yung promo is good for dine-in only.
Syet! Anong gagawin ko dito? Kakainin kong mag-isa? Paano na silang naghihintay sa bahay? Kasi naman, hindi muna basahin nang mabuti yung ad, bago ako utusan! Pagkatapos kumirot, pina-"take out" ko kaagad. Bahala na sa sasabihin ng waiter!
Ang liit-liit naman nung manok.. hindi kakasya sa aming apat/lima/anim (unstable yung dami nang kakain). Kaya, ang huwarang anak, naghanap ng paraan. Hanap ng iba pang pagkain. Kahit manok lang ang bilin, maiintindihan naman ni ermats, dahil maliit nga talaga!
* * *
Hay! Ang pagkakataon nga naman! Bakit ba kung kelan ako walang load, tsaka naman dadating ang sangkatutak na tanong mula sa aking mga contacts? Syempre, wala akong magawa, hindi ako maka-reply! Saang alkansya na naman maghahanap ng pang-load?
* * *
Hindi ko masyadong ma-appreciate ang nabili kong digicam. Matagal syang mag-capture ng "Kodak moments." Laging motion blurred. Or sobra lang talaga manginig ang kamay ko. Kahit na!
Nasanay siguro ako dun sa lumang camera na de-film. Yung madami ka pang pipihitin, para maganda ang kuha mo. Para kang nagtitimpla ng juice.
Hindi tuloy ako nakakuha ng snaps ng mga taong "in action." Pang-posing lang talaga! Hay!
* * *
Laking pasasalamat ko at mayroon na akong trabaho. Hindi lang basta trabaho, disenteng trabaho! Sabi nila, mabibili ko na ang mga nais kong bilhin. Pero kung iisiping mabuti, hanggang saan ang itatagal ng 10 'quiao? Sa pagkain at pamasahe pa lang, kalahati na agad! Tapos, may mga nagpapalipad-hangin na gustong magpalibre! Whew!
* * *
Eto, nakakabwisit talaga! Ikaw kaya ang mapuna, abusive ka daw gumamit ng internet. Of all people naman, ako pa ang na-pinpoint..
Yun lang! Pa-impress uli sa trabaho!
Categories: reklamo
