Who's inside your body?
voters privacy leaked
Are you a registered NCR voter? Nag-try ka na bang mag-Google ng sarili mong pangalan? May isang site, comelecncr website, nakikita mo dun nakalista lahat ng botante sa Metro Manila. Hahanapin ko sana pangalan ko, kaya lang, natunugan yata na parang "invasion of privacy," hindi na naka-upload.
Sayang! Hahanapin ko sana mga address ng mga pulitikong tatakbo sa halalan, kagaya nila Bayani Fernando, Lito Atienza, o kaya, Ping Lacson; para naman naka-solicit ng konting pera, panahon ng mga liga ng basketball sa barangay, wala kaming pera para sa uniform.
Tama nga naman ang mga pahayag ni redkinoko, sadyang bobo, tamad, pipi't kalahati ang mga designers nito at kailangang ilabas pa lahat ng pangalan..
Kung matyaga kayo, subukan ninyo humabol sa cache ng google search, i-type lang:
Categories: news
Feel the Beat!
There are flooding of iPod accessories these days, and i might say this is the ultimate out-of-the-box, sought-after attachment.
This little item adds a whole new dimension to the saying "feel the music"! it's a vibrator that shakes in sync with the music being played on an iPod. The device jacks into the iPod's audio-out for purposes of frequency vibration calibrated to the user's sound track.
Watch this video. caution: hot and tempting! Great with trance, techno, and heavy metal tracks.
Categories: innova
World Shutdown day
It is obvious that people would find life extremely difficult without computers.
World Shutdown day is slated on March 24. A day where you have to shutdown your computer for the whole 24 hours. Can I do it?
Kaya ko! Wala ako sa Manila, may company outing kami!
Paano naman yung mga contact centers na walang patayan ng mga PC 24/7?
Categories: news
deejayz 101
Hindi ko nang hihintayin na may mag-tag sa akin.
1. Malambot.
mula nang mauso ang tuksuhan, asaran at panlalait, pinaghihinalaan na akong badaf, bading, bakla, alanganin, at lahat na ng pwedeng itawag dun. Tawagin ba akong "sexy"? kalalaki kong tao, kung sabagay may "sexy" na lalaki. Hanggang tumanda na kami, tumatak na sa isipan. malamya daw, malambot? weak? passive ako, kaya hayaan na natin, dun sila masaya! Eh ano naman kung may baon akong powder na pink at oil-control film? kelangan lang alisin ang mga sebum na yan! at least, nakaka-konek ako sa mga kababaihan, gaya ni Mel Gibson sa "What women wants"
2. Ratsky.
Bakit nga ba "Cyclopean Archives?" Walang kinalaman si Cyclops ng X-men dito. mas luma ang pinaghugutan ko, mala-urban legends! Bakit ba kasi nauso ang pasma? at sa dinami-dami ng pwedeng maging pasmado, eh sa mukha pa! Ayan, walang tigil ang aking hemi-facial spasm, todo-kindat to the max! buti sana kung nakokontrol kong kumindat sa mga magagandang lang, eh hindi! Anytime, anywhere! Nakakawala din ng self-confidence minsan, madalas ay nakayuko na lang ako, o kaya, pipikit ko na lang, kaya isang mata, equals Cyclops, the one-eyed monster! Kaya nagagaya na ako kay Randy Santiago, laging may baon na shades.
Lately, nakita ko sa TV, slow-motion na close-up kay Dennis Trillo, huli ka! napasma na rin siya! kasi puro taping tapos ligo, kahit walang tulog. kaso, malamang bukas makalawa, wala na yun! may pera naman siya pampagamot. (as in continuous medication)
3. Kaya kong kumain ng rice at gravy lang.
TAKE NOTE! KFC Gravy! aangkinin ko yung lagayan ng gravy, gagawin kong sabaw.. Pero hindi ko pa naman nagawang bumili lang ng rice at gravy, walang chicken. Naalala ko dati, malapit na closing ng KFC, humabol kami pamilya.. tapos inubos ko yung gravy, kitang-kita nakasimangot na yung mga crew.. wala na silang gravy para sa kanilang late dinner! kaya siguro pagbalik ko, nilagyan nila ng kadena yung pitsel, "mahiya naman daw ako..."
4. Ayaw kong kumain ng isdang matinik.
Basta ayaw ko ng ma-trabaho, yung paghihirapan at magkakalat ka bago mo pa makain, gaya ng crab. Ipapatanggal ko pa yung mga tinik ng isda, o kaya magpapakuha ng aligi. Dahil holy week, bawal ang pork. Kaya nakatuklas ako ng paraan para na-appreciate ko ang fish. Salamat kay Ate Shawie, masarap na sawsawan ang mayo sa fish, lalo na yung pritong fish.
5. my dream job as a service crew.
Feeling ko yung ang "stepping stone" para makipag-communicate sa mga strangers. Para matanggal ang aking pagiging mahiyain. Eh kaso, strict ang parents ko (hehe!). Ayaw pumayag, hindi na raw ako pag-aaralin pag nagtrabaho ako. ano yun? bubuhayin ko na ang sarili ko? kung natuloy, kayanin ko kaya nakapagbigay ng good customer service?
6. Senti mode.
Attached ako sa bagay-bagay. Nawala yung eraser ko dati. Faber-Castell pa naman yun. ilang araw akong balisa, hindi ko matanggap na nawala na sya, iniwan na ako! Mas malupit dati, noong Grade 3 ako. Naiwan ko yung pencil case ko na bagong bili. yung maraming pindutan, pindutan para lumabas yung sharpener, eraser at kung ano-ano pa. usong-uso noon yun, kaya naman tuwang-tuwa ako ng binili ako ng nanay ko. Dumayo kami ng Math contest, tapos yun nga, naiwan ko yung pencil case, naalala ko na lang, nasa byahe na kami pauwi.. tapos nung naalala ko, bigla na lang ako napaiyak, hindi pala iyak, napahagulgol ako sa lungkot. para tumugil ako sa paghagulgol, ibibili na lang daw ako ulit.. eh sa hirap ng buhay, hindi na ako nabili ulet. Ganun ako ka-senti!
7. isa akong m-athlete.
lumalaban ako ng math contest noong kabataan ko. umabot kami ng NCR level. ganun ako katindi! mula sa isang maliit na paaralang Jan Luna, (unknown kumabaga!) wala magaakala, pati yung teacher ko, na ganun ang kakayahan ko.. yung kinaaayawang word problems, peyborit ko yun!
Nag-try akong kabisaduhin yung Mathemagic, para napadali yung addition, at multiplication, pati yata square-root tsaka exact na araw ng kahit na anong petsa sa kalendaryo. Try lang, nakalimutan ko na rin. wala akong pambili nung mga tape sa homeTV shopping, kaya paunti-unti kong binabasa sa National Bookstore. hindi ko kaya i-shoplift, masama yun, tsaka malaki yung libro, kitang kita ng guard!
8. ang aking one-year jinx.
Ayokong sabihing sumpa ito, kung sumpa man ito ay gusto ko nang matigil sa lalong madaling panahon. nagsimula ito nung high school, nakapasa ako doon sa high school na Pang-agham sa Maynila. kaya lang, isang taon lang ako nag-aral dun. hindi ko nakayanan ang mga gawain doon. sayang kung iisipin, sayang talaga.
Tapos, kolehiyo naman. nakapasa ako doon sa Unibersidad. yung pinaka-aasam ng lahat ng nag-aaral. ganun din. isang taon lang din ako dun. MAS sayang! medyo na-culture shock ako dun. di ko kinaya ang pwersa dun.
kaya ngayon, nagtrabaho na ako, sana naman, wag na maulit. wag sana akong ma-culture shock, wag sana akong malunod sa dami ng tao, wala sanang grueling tasks.
9. i dont put my money on my wallet. pero bilang ko naman kwarta ko..i dont wear watch. can you imagine how messy am i.
10. Nahirapan akong bumuo ng top ten list na ito. Sangkatutak na soul-searching pa ang ginawa ko. Kailangan ko pang magpakalayo-layo pa mag-self-discovery, hehe! exaj!
Categories: meme
tanggal.bara
Natatandaan nyo pa ba ito? sino pa kaya gumagamit nito sa kusina?
Gleam Liquid Sosa. Tanggal agad ang bara. This was used sometime ago to clear sluggish and clogged pipes, sinks and drains. It can dissolve hair, grease and grime. That was before...
Ang bago...
The Flexisnake is like a plumbing snake, except it has a piece of Velcro at the end to pull hair out of a sink drain.
Hair is leading cause of clogged drains in bathroom sinks, so it stands to reason that Velcro can be used to clear out clogged drains.
You feed the Velcro end down a sink drain, and spin it around, and then pull it out. Since the hair clog is often entangled, the entire clog can be pulled out at once.
Categories: innova
summer.pasyal
nagsasawa na ako sa mall. sa paghahanapp ng mga alternatibong pasyalan, na walang masyadong tao, share ko napanood ko sa TV.
10. Malabon Zoo.
9. World Light Expo 2007 - Roxas Blvd. cor Coastal Rd. Bilis! hanggang April 22, 2007 lang... Mukhang mahina ang dating ng tao. From 300 pesos, 200 na lang entrance fee.
8. Bounce Inflatable Parties- Ortigas Extension, Pasig. for your children's parteeh. The first and only inflatable party venue and play center. www.bounce-parties.com
7. Science Centrum - Nasa Riverbanks Mall na sya. Dati sa UP Manila Cmpd. Nag-expand na daw ang mga exhibits dito. Parang trip kong rumampa ulet dito.
6. Kidzone - nasa Riverbanks din ito. Kung hanap mo kung saan mo pwedeng iwanan ang inyong bagets habang nag-shopping.
5. Manila Zoo. Kinder Zoo. Pwede mo nang hawakan ang ibang hayup.
4. Avilon Zoo. - Montalban, Rizal. zoo hours: 8:30-3pm weekdays, 5pm weekends. entrance: 208 pesos. www.avilonzoo.50megs.com/
3. Timezone.
2. Museo Pambata. Roxas Blvd. cor South Drive. sa Dulo ng Kalaw. Sarado ng Lunes.
1. Fun Ranch. Bago lang ito, nasa Tiendesitas area. Frontera Verde. Fun Ranch is a one-stop-shop for kids. It has a jungle gym (complete with giant slides), bump cars, inflatables, child-friendly restaurants (Red Barn and Tsoko-Nut) and a kiddie spa. Tsaka ko na puntahan kapag tinawag na akong "Don deejayz".
Categories: places
cost-cutting
wahhh! ang liit ng sinahod ko. konti lang ang dumadating na trabaho nung mga nakaraang araw. Magpapalit na kasi ng system, gagawin nang online at individual ang processing. Kinakabahan tuloy ako, its every man for himself [ganun ba yun?]
at tinamaan pa ng lintik na TAX ito. hindi ko naman alam na ganun pala kalaki ang ikakaltas sa aking sweldo. kainis talaga! tapos kukupitin lang ng mga putilikong walang humpay sa pagkamal ng linpak-linpak na salapi.
bago pa ako mapunta sa bulok na sistema ng Pinas, napipilitan na akong mag-cost cutting. huhuhu!
1. hindi muna ako manonood ng sine. walang problema, natambakan na ako ng mga hindi ko pa napapanood na DVD. eh malas pa, nasira yung TV namin, kaya wala ring silbi yung DVD. magtyaga muna sa sinaunang 14-inch TV na walang remote. hayyy! pag minamalas ka nga naman..
2. balik sa jeep. dati nag-trike ako papasok sa opis. mga ilang hakbang na lang ang layo sa opis. ngayon, no choice! mag-exercise ulet ako bago pumasok. mga ilang metro din ang layo.. kelangan pumasok pa ng maaga, para hindi naman ako pag-initan ng Haring araw, [at ni apol na rin, syempre.]
3. kelangan mag-diet. kung dati, eh kain dito, kain doon, para may resibo para sa OT [puro dahilan noh?], ngayon kelangan maglagay ako ng limit. Eh kung bakit ba naman may naka-isip kumain sa Chili's, masarap nga, abah, dapat lang! kasi masarap din ang presyo. hayyy! balik muna sa instant coffee, mabigat sa bulsa ang Starbucks.
4-6. kelangan ng maging wais. nagpakalbo na ako, para konti lang ang shampoo, wala nang mga kolorete sa buhok. wala munang internet-surfing sa labas, diet sa DOTA. hindi ko na rin muna iisipin magpalaba sa LABAMURA laundry shop. kelangan makahanap ng raket. patulong naman.
Categories: reklamo
who wants to BAM
alam nyo naman siguro kung ano ibig sabihin nyan? yan ang nagsimula ng "game show craze" noon sa Pinas. Who wants to be a millionaire?
May bagong variation naisip si Mark Burnett, yung naka-isip ng reality show na Survivor. Ang show:
Ganun din ang mechanics: isang tanong, isang sagot, pag tama ang sagot, dagdag ng prize money. Kaya lang, ang mga tanong, hango sa mga aklat na pang-grade 5 pababa. Mga general knowledge questions. Hindi estudyante ang contestant dito, kaya malamang nakalimutan na yung mga tinuro noon.
Mga sample questions: Ano ang Capital ng Sierra Leone? pwede ring, (2) Ano ang Capital ng Compostela Valley? (3) Sinong presidente ng America ang pinaka-unang na-impeach? (4) True or false: A turtle is an amphibian?
Nyay! Kasali din ang mga math questions! Lagot na! Yung unang contestant, college graduate, tinanong ng...
"Area of triangle."
lintik ang kaba!! Kinailangan pa nya ang lifeline ng isang Grade 5 student!
Naalala ko ang aking kabataan: isang tanong na pang-IQ.
Ano pinagkaiba ng Astronauts at cosmonauts?
Eh hindi ko pa alam noon na Russian ang mga cosmonaut. Para makapagbigay lang ng sagot, sinabi ko, "Spelling! spelling ang pinagkaiba!" HAHAHA! How witty!
More questionnaires.
Geometry: How many sides are on a trapezoid?
Library Science: True or False?, fiction books are not assigned numbers in the Dewey Decimal system.
Measurement: How many decades in two millennia?
Spelling: How many "E’s" are there in the phrase “Pledge of Allegiance”?
Animals: True or False? Walruses are native to the Arctic.
Astronomy: What constellation is the Big Dipper located in?
Grammar: What is the suffix in the word “undoubtedly”?
Measurement: How many teaspoons are in 5 tablespoons?
Health: What is the largest bone in the body?
World Geography: What percentage of the world is covered by oceans? A) 70, b) 80, or C) 90?
Animals: Which species of bear is the largest?
Geography: How many U.S. states border the Pacific Ocean?
Measurement: How many cups are in 5 ½ gallons?
Geometry: A decagon has how many sides?
Geography: Which country has the biggest population after China?
Categories: television
descartes
kanina, wala pala akong baon. kaya nagdadalawang-isip akong sumakay ng bus papunta office. hindi pa ako nakapag-withdraw. saan ako kukuha ng pambayad? buti na lang at may napulot akong pekeng limang piso, pambuo ng pamasahe. hehehe!
ukol dito, bumalik sa isip ko ang nasagap ng aking boom mic sa loob ng bus: [flashback!]
Bus patungong Makati.wala namang mali sa kanilang pag-uusap. ang hindi nyo alam, walang pera pamasahe ang pasahero, at sinadya niyang magpakapanggap na walang alam. at sa kanyang pagbaba, malapit na siya sa kanyang destinasyon!
Konduktor: boss, saan?
Pax: dadaan ba ito sa LRT?
Konduktor: mali ka nang nasakyan. dun sa kabila ang sakayan. Tatawid ka..
Pax: ah ganun ba? ah sige ho! baba na lang ako dito..
konduktor: boss, saan?Gayahin ko kaya sa susunod na maubusan ako ng baon?
Pax (kulang ang pamasahe): Guadalupe
konduktor: boss, katorse hanggang guadalupe.
Pax: Pwedeng 12 na lang, eto na lang kasi ang barya ko... kasi 1000 yung pera ko. may panukli ka ba?
Categories: memories
*oink*
In tune with the Year of the Pig, nauuso na naman ang mga piggy bank. Hindi ko na-appreciate yang mga alkansya nung kabataan ko, sinusungkit ko kasi yung laman. Kaya wala akong napupuno..
Meron ding panda bank, para mabenta din sa mga Orient countries. At ang kinagandahan nito, malalaman kung anong barya ang inilagay mo. High-tech! May LCD display na kung ilan na ang nahuhulog mo, may ringtone pa pag naabot mo yung target mong ipunin.
Pano yan, nagkalat ang mga pekeng barya? Wala ring silbi ang pagtitipid. sana susunod, ma-detect nya muna yung peke.
Categories: innova
isang gabing may wrong send
may gumimbal sa akin na text message, at mapilit sya. itago ko na lang sa pangalang "frank." actually, nagpakikilala pa siya ng buong pangalan.
"oist, leny, kamusta ka na? c frank ito. naiwan lang celphone ng kasama ko, nakitext lang ako."Ayun, natauhan na yata. hindi na nag-text ulet.
:me: wala ako kilalang frank. baka wrong send ka.
Frank: hindi. si leny ba ito?
:me: hindi ako si leny.
Frank: taga-saan ka ba?
:me: manila
Frank: saan sa manila?
[mag-reply pa ba? cge na nga, marami pang load.]
:me: UST, manila. check mo uli number. wrong number ka. Ex mo ba yung leny?
Frank: tanong ko address, hindi school. saan ka nakatira?
:me: Eh, loko ka pala! sa sulucan ako nakatira.
Frank: san yun?
:me: sulucan, sa squatter. holdaper ako sa labas ng UST.
Frank: bakit ka galit?
:me: ah! naiwan ka pala, naghahanap ka ngayon ng pampalipas. [kinausap ko na lang. nakakabwisit na kasi!]
Frank: Leny, huwag mo naman ako biruin na ginaya boy pero leny name mo. Ano ba? san sa manila pls.
[sakyan ko na nga. magpanggap.]
:me: c leny nga ito. bakit?
Frank: Wala iniwan sa akin cel nya. alam q galit ka sakin magpapaliwanag nga sayo pero ayaw mo. ok. goodnight. see you kung magkikita pa kasi galit ka sa akin.
:me: hindi ako galit.
Frank: hindi ka galit bakit ganyan ka sumagot at binabara mo lahat ng tanong ko sayo.
:me: Oh, bakit ka nag-text?
Frank: Nangangamusta lang, pasensya ka na nabigla lang ako kanina. naguguluhan ako sa kasi sabi mo hindi ka si leny. kung ikaw si leny hinahanap ko, san ka sa manila nakatira at anong religion mo. pls. sagot ka ng tama ok?
:me: ano nga gusto mabasa?
Frank: Ano ka ba hindi ako nakikipagbiruan. ang gusto ko lang malaman ko na ikaw nga si leny hinahanap ko kasi nawala number mo at nakita ko sa kwarto sinubukan ko. pls. sagutin mo na tanong ko kung san ka sa manila at anong religion mo dahil pag sinagot mo yan nahanap ko yung cel number na leny hinahanap ko nakikipagbiruan sa akin. thanks.
:me: wag na paligoy-ligoy. Ano ba sasabihin mo?
Frank: kinakamusta lang kita. bakit masama b yun? ok fine gudnight. hindi na ako magtetext. bye. ito lang sabihin ko sayo, gusto ko lang malaman sa mga tanong ko kung sasagutin mo na ikaw nga si leny. ok yun lang.
:me: c leny nga ito, catholic. [sagutin ko na nga! sana tama ang hula ko...]
Frank: hindi ka naman catholic eh.
:me: nagpa-convert na ako catholic, tsaka lumipat na ako sa sulucan.
Categories: crooked mind, memories
bills, bills, bills
This is a miracle! i was shocked at our electric bill, an all-time low!
what happened? resting our fans that was running 24/7, chilling at the cold month of February? hmmm, what else.. Laziness! i didn't iron my clothes for a month, woohoo! i wasn't able to stay at home, no useless hours infront of the boobtube. and i check the appliance calculator, that's quite a chunk of savings. oh, i realized, im such a power hog, that's why mom is delighted everytime im out of the house.
its nice to see our bill go down for a while. and as we enter summer, where anything will be used up to chill ourselves.
Heroes on FreeTV
i've been waiting this. i saw the "Heroes" teaser while watching WWE recaps over at RPN9. since i don't have (the time to apply for) a cable subscription, that why i'm raving. Good thing Solar got it, current reception of RPN9 is good, compared to Studio23.
pirates over at quiapo doesn't have the complete season 1 yet, so i don't want to waste some money. Now, jologs-novela addicts at my place are scared as early as i noticed the teaser.. the boobtube monster, lording over the remote, will be back! Hahaha!
Categories: television
survey
patulong naman people! sandali lang ito! Anong ok na idugtong sa quote na ito?
"A bloghop a day..."
Erap: "... is 7 bloghops a week"
Neil Armstrong: "... one giant step to mankind."
Categories: tidbits