No water, no problem

Marami akong natanggap na balita nitong nakaraang araw, ukol sa kawalan ng tubig sa iba't ibang lugar ng Maynila. Ayon sa Maynilad, nagbawas ng produksyon ng tubig, mula sa 2,230 million liters per day ay nabawasan ito sa 1,970 million liters na lang.

Mukhang maaga ang pagtitipid ng mga kinauukulan para sa darating na tag-init. Siguradong unahan sa pag may rasyon ng tubig! Makakabangga ko na naman ang mga sugapa kong kapitbahay!

Syempre, kailangang magtipid. at narito ang ilang mas epektibong tips upang makatipid:

(1) Patayin ang gripo habang nagsisipilyo. Mas mabuting wag na lang magsipilyo. o pwedeng bumalik sa makalumang panahon, asin tapos mumog..

(2) Bawasan ang labas ng tubig sa shower. Dahil mahirap kami, wala kaming ganyan. Tabo lang. Mas mabuting lagyan ng interval ang paliligo. Kung dati, dalawang beses sa isang araw. Ngayon, baligtarin! isang beses sa dalawang araw!

(3) Wag hayaang umaagos ang tubig pag naglalaba. Mas mabuting ulitin na lang ang mga damit para matagal bago ka ulit maglaba. Alam nyo ba ang "side B" idea?



Related Stories Widget by LinkWithin

1 PEOPLE COMMENTED:

Jepoy said...

paano kami magtitipid kung wala na kaming titipirin.. huhuhhuuuu :~(

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe