Minsan sa buhay ng isang tao, hindi mo maiiwasang napuno sa hinanakit. Kaya ito, isusulat ko na lang, kaysa naman magwala ako sa inis:
Masubukan mo na bang mautusan ng ermats mo? (syempre naman! ano ka, astig?)
Eh, ang mapahiya dahil sa pinag-uutos nya?
Eto nangyari sa akin kagabi ng mautusan ako bumili ng Max's fried chicken. Syempre, ang huwarang anak, mabilis pa sa alas-kwatro. Pagdating dun, order agad ng chicken. Ang hindi nila alam, yung promo is good for dine-in only.
Syet! Anong gagawin ko dito? Kakainin kong mag-isa? Paano na silang naghihintay sa bahay? Kasi naman, hindi muna basahin nang mabuti yung ad, bago ako utusan! Pagkatapos kumirot, pina-"take out" ko kaagad. Bahala na sa sasabihin ng waiter!
Ang liit-liit naman nung manok.. hindi kakasya sa aming apat/lima/anim (unstable yung dami nang kakain). Kaya, ang huwarang anak, naghanap ng paraan. Hanap ng iba pang pagkain. Kahit manok lang ang bilin, maiintindihan naman ni ermats, dahil maliit nga talaga!
* * *
Hay! Ang pagkakataon nga naman! Bakit ba kung kelan ako walang load, tsaka naman dadating ang sangkatutak na tanong mula sa aking mga contacts? Syempre, wala akong magawa, hindi ako maka-reply! Saang alkansya na naman maghahanap ng pang-load?
* * *
Hindi ko masyadong ma-appreciate ang nabili kong digicam. Matagal syang mag-capture ng "Kodak moments." Laging motion blurred. Or sobra lang talaga manginig ang kamay ko. Kahit na!
Nasanay siguro ako dun sa lumang camera na de-film. Yung madami ka pang pipihitin, para maganda ang kuha mo. Para kang nagtitimpla ng juice.
Hindi tuloy ako nakakuha ng snaps ng mga taong "in action." Pang-posing lang talaga! Hay!
* * *
Laking pasasalamat ko at mayroon na akong trabaho. Hindi lang basta trabaho, disenteng trabaho! Sabi nila, mabibili ko na ang mga nais kong bilhin. Pero kung iisiping mabuti, hanggang saan ang itatagal ng 10 'quiao? Sa pagkain at pamasahe pa lang, kalahati na agad! Tapos, may mga nagpapalipad-hangin na gustong magpalibre! Whew!
* * *
Eto, nakakabwisit talaga! Ikaw kaya ang mapuna, abusive ka daw gumamit ng internet. Of all people naman, ako pa ang na-pinpoint..
Yun lang! Pa-impress uli sa trabaho!
3 months ago
4 PEOPLE COMMENTED:
Ang daming pangyayari naman sa isang blog post lamang! Natawa ako sa tatay mo! hehe! Ang saya Naman! :)
nanay po! ermats eh!
hehehehe kilala ko ung mga na-mention dito sa post na to...syempre! sabihin ko nga sa kanila na bumisita rito sa blog mo! hahahaha
as for the cam, practice lang yan iho... and read the manual completely :)
hmm i'll point you to some ebooks about photography nga pala, baka magustuhan mo...
@cyberpunk: Anong "mga"? plural ba yun?
Post a Comment