panahon na naman ng mga sale sa mga mall. matrapik na naman ang mga kalye. sa aking pagmamasid, nakapagtala ako ng iba't ibang uri ng mga shoppingera:
1. The Delaying Buyer. Syempre, uunahin natin yung medyo slight muna. Ang tagal pumili, todo-compare pa kung saan makakamura. Kung sasamahan mo sila, ihanda ang katawan sa matagalang paglalakad. Lakad dito, balik na naman. Yan ang shopping!
2. The Grabber. Makikipag-unahan sila sa mga natitipuhan nilang produkto. Tipong amazing race ang drama. Handang makipag-agawan kung kinakailangan.
3. The Garbagelady. sa tagalog, basurera. sila yung mga namumulot pagkatapos iwan ng iba. Kailangan talaga may kumuha at magsukat, at magbalik, bago niya ito subukan.
4. Hawi Queen. Kagaya ng mga Grabber, todo- box out, bawal singit sa kanilang pwesto.
5. Dampot-at-dukot. Halukay-ube ang drama ng mga ito. Talagang maghahanap pa sa kaila-ilaliman ng mga nakasabog na paninda. Malay mo nga naman, baka may nakatagong ginto sa ilalim.
6. The Fakers. Sila ang mga nagpapadagdag ng mga tao, nagpapalamig. mga kunyaring bibili. tatanong pa yan, aakalain mong mamimili.
7. The Sure Shopper. "Miss, maliit. meron kayo medium size." "Ay, masikip, miss, pwede size 29, 30, 31, 32." Isusukat lahat ng sizes, kailangan sakto ang fit. Pagkalaunan, "Ay! wala magkasya! wag na lang!" Kung ako ang mag-assist sa kanya, kainis talaga! i-fold ko ulit lahat yun!
8. The Copy Cat. Ang mga gaya-gaya, puto-maya. May nakitang magandang dress, "Miss, meron pa kayo nung katulad sa naunang bumili? O kaya naman: "Miss, meron ba kayo nung damit ni [kahit sinong celebrity]?"
9. The Brand whore. Eh, ano pa nga ba? Sila yung naghahanap ng tatak. Kailangan may pangalan na ang kanilang produkto. Kahit hindi bagay sa kanila, at least, may tatak! Eh ano namang meron sa Guest, Manga, Girbod, at kung ano-ano pa. At dapat, kita yung tatak na nakasulat sa damit. Talagang pag-iipunan pa, para status symbol. They belong! Isali na rin pati ang paperbag! Naman!
10. The Walking time BOMB. bomb, as in bomba, putok, KA-BOOM !! wag kang magkakamaling kunin yung damit pagkahubad nya, sigurado mahahawahan ka ng amoy! Meron namang deodorant!
Ang matindi pa, pagkatapos mong nagpagod sa pakikipagsisikan, wala kang napamili.
Nakakaaswa na rin umikot ng umikot sa mall. Para syang magnet na nangunguha ng inyong salapi, hindi naman pwede pumunta ka lang dun, mapapagastos ka talaga (kahit pamasahe!) At heto na naman, pag natataon na ang 15 at 30 sa Friday-payday, kelangan kong labanan ang pwersa. Wahhh! Kailangan kong magtipid, pipikit na lang at magpapanggap na bulag. Sino naman ang aakay sa akin?
2 PEOPLE COMMENTED:
Wahahah! Ako yng delaying buyer super tagal kung mamili ng gamit nabibilin gusto ko kasi sure ako dun sa bblin ko kaya ng tagal kung mga isip!
number 1 at 7 ako. at kung minsan iyong number 9.
hehe.
Post a Comment