Numbers game

Unti-unti nang nagkakaubusan ng numero sa basketball jerseys. Anong kayang swerte ang hatid nitong mga matataas na numero? Sa pagkakatanda ko, siminulan ito ni Dennis Rodman, #91. #10 ang una nyang ginamit. Dahil siguro may gumamit ng 10 sa Chicago Bulls, 91 ang ginamit. 9 + 1 = 10. Galing!

At eto na nga, nagsunuran na ang iba. Si Rommel Adducul, no.10 din. Paglipat sa San Miguel, #82 ang ginamit. (gamit ni Danny Ildefonso ang 10) 8 + 2 = 10. Gaya-gaya!

Isa pang gaya-gaya. Etong si Ronald Tubid (na lagi kong kasabay bumili ng pandesal noong nasa UE pa sya) Simula't sapul #8 ang jersey number. Naglalaro sya ngayon Ginebra, at bilang respeto kay Allan Caidic, hindi pwede gamitin ang #8. Kung kaya't #71 ang ginamit. 7 + 1 = 8!

At merong gumamit ng 93. Napanaginipan ba ito, na parang mananaya sa lotto? Eto mainit pa, ano naman ang dahilan ni Chris Webber sa paggamit ng #84. Ako'y nag-research, at nalaman ko na-retire na pala ang #4 na kanyang gamit.

Madalas ko makita ang eighty-plus na numero sa football. Malamang sa dami nila, hindi naman pwedeng mag-doble. Parang ID ito sa sports. Imbes na mamilipit ang dila mo sa pagbigkas ng mga kakaibang apelyido, number na lang, madali pang tandaan. Naninibago ako ngayon sa mga jersey numbers sa basketball, pero magkakaubusan din yan balang araw..

Eto malupet, saan ka makakita ng #101, #102, #103 or #104?? Pilit napagkasya yun sa likod ng sando! Natawa ka noh! Meron sa amin! Hanapin ko nga yung taong yun! May nadaanan naman ako, 1/2, 1.5, at eto malupet, yung symbol ng PI(3.1416). "PI, three points!" "Foul, PI." "PI, graduate!" Kaaliw! (malamang engineering kinukuha nun!)



Related Stories Widget by LinkWithin

0 PEOPLE COMMENTED:

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe