Pinoy DotA

Before, it's Half-Life counterstrike.. Now, it's Warcraft DotA. It has been a craze for months!

At ngayon, ang latest innovation ng mga Pinoy, ang War of Philippine Heroes! (magaling tayo pagdating sa kopyahan!)

DotA rin sya! Pinoy ang mga characters, items, at sounds. Kwela!

sa una naming paglalaro, Comedy!!! Sobra! Nakakatawa!!! Ang dalawang side na naglalaban ay ang "Liga ng Pag-asa" at ang "Pwersa ng Kadiliman."


Pilian ng heroes pa lang... Walang humpay na tawanan na agad! Choose among: Darna, Panday, Manananggal, People's Champ (Manny Pacquiao), El diablo (sino yun?), Captain barbel, Kristala, Lizardo (siya ba ung kaaway ni panday?), Kumander bawang, Polgas, Khadaffi Janjalani. Andun din sila Andrew E., Volta, Jollibee, Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio at pati si Pres. GMA! Hahaha!!!

Bilihan na ng items, gumugulong na ako sa katatawa!: Keso, "Peewee at Richie"(yung chichirya!), Choorizo ni Kuya Non, Lantaka, Cecon (perseverance, obvious ba?), Flying without wings. Eto malupet, pati yung description, Tagalog!

The Vagina Basher(!) - "siguradong puputok ang ulo ng etits mo pag na pukpok ka nito!"

Hand of Michael Jackson - "Lalo mong mamomolestiya ang mga kalaban mo gamit ang kamay na ito!!!"


Game na! Gamitan na ng skills! yung kay GMA, SONA (pampatulog sa kalaban)! Martial Law, CPR! at Hiwaga ng nunal!!! Hahahahahaha!!!

Yun lang kay GMA lang natandaan ko. Sa sobrang katatawa, nakalimutan ko na yung iba!

Pero may napuna kami, ang daming maling spelling! Minadali yata ang paggawa... O wala silang QA para itama yung mga mali... Kailangan nila ako doon!

Bago pa lang ang mapa kaya siguradong gaganda pa ito sa mga darating na mga araw ... Parang DotA rin! (daming versions!)

Siguradong madadagdagan din ang mga heroes, konti pa lang kasi! Tsaka iba tayong mag-isip ng kalokohan eh!



Related Stories Widget by LinkWithin

1 PEOPLE COMMENTED:

Anonymous said...

maganda yung pinoy dota. lahat maganda pati yung mga items nakakalito. sana pag may bagong version mas pagandahin pa yung mga items.

Post a Comment



Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe