Food trip

food trip lang: May nagtatanong sa akin, saan daw gawa yung bopis? Abah, nagtaka din ako? d ko rin alam.. Hanap-hanap, nakita ko ang sagot, Gawa pala sa laman-loob ng baboy, specifically, puso at baga.

* * *
Bago kong natutunan: Ang laman ng kambing ay low-fat at low-cholesterol. Kaya mamaya, kalderetang kambing. Bukas, adobong kambing at menudong kambing. Sa kamakalawa, sinigang na kambing at sisig na kambing. Hehe!



* * *
Nadaanan ko lang: Try nyo! Taas ng score. Halata na ang aking pagka-geek!

My computer geek score is greater than 73% of all people in the world! How do you compare? Click here to find out!





Taytay Falls pics





The Day the Diskettes Die

A typical conversation:
Bro: Kuya, nasan na yung flash disk?
Kuya: Malay ko! meron na ako sa sarili ko!

Minutes later:
Sis: Kuya, may diskette pa ba tayo?
Kuya: Wala, hindi na ako bumibili! I-flash disk mo na lang yan!

Hay! Ang flash disk nga naman! Ewan ko ba, parang konti pa lang nakakaalam nito. O tayong mga techies lang ang nakaka-appreciate nito.

Mula nang nagkaroon ako nito, hindi na ako gumamit ng diskette. Saksak mo lang sa likod ng PC mo at (tadaaaaan!) automatic nang lalabas yung contents ng flash disk mo.

Kung hilig mo namang mag-save ng anik-anik, investment na rin itong matatawag, mura lang naman.. Mas secure pa yung mga files mo. Tapos, hindi ka na mamomoblema kung lagpas na sa 1MB yung file mo.

pwede nang pang-corporate giveaways! pwede na ring pang-regalo!

Yun lang.. Balik sa trabaho!





Fast-paced technology

nadaanan ko lang, meron nang bagong format ng optical disk ngayon, ang Blue-ray Disc. Lalabas na sya sa US market sa June 25. Tignan mo nga naman ang bilis ng teknolohiya ngayon! meron kami DVD player sa bahay, para sa pelikula, pero wala pa akong DVD-ROM o DVD writer sa computer. May mga kakilala ako, CD-ROM pa rin nga ang ginagamit!

Grabe! D hamak na 5x na mas maganda resolution kaysa sa DVD! Sobrang ganda! Ilang pelikula kaya pwede pagkasyahin sa isang disc? 20 blockbusters? Sulit na yun! Lalo nang mababawasan manonood sa sinehan nyan!

Ang bilis magkaroon ng bagong teknolohiya ngayon. Kung ngayon, bagong bili cell phone mo, sa isang buwan, bulok na yan! Sa sobra kong pagmamalabis, iniisip ko tuloy na bumababa ang presyo ng mga gadgets linggo-linggo.

Yun lang. Balik sa trabaho!

***
Personal (kuno!): Happy birthday, Dr. Jose P. Rizal (June 19) bigla kong naalala. Kayo? naalala nyo pa ba?





M.I.A.

naisip ko lang, paano ko kaya hahanapin yung mga taong mawawala na for years, kung pangalan lang ang alam ko. Magtanong-tanong sa kakilala? eh kung humingi ako ng info sa Comelec voters id? Buti kung pansinin ako dun, VIP ba ako? Tapos, wala pang Frienster account! yun na nga pinakamadali paraan para maghanap, wala pa! Hayyy! Mahirap pala!

Isa pang superman Returns trailer!







Kanji word personality test

What is a Kanji word? Kanji are Chinese characters used in Japanese. Kanji are one of the five character sets used in the modern Japanese writing system, the other four being hiragana, katakana, the Roman alphabet, and Arabic numerals.


What Kanji word best suits you?

***
The much-awaited Superman Returns will be shown in the Philippines (June 28) ahead of US (June 30). No pirated copies yet. Anyway, here's a trailer for us Superman fanatics!







Do you like my post on your e-mail?
Please enter your email address to subscribe