Kaya pala napaka-prestigious maging isang Senador. Magbabago talaga ang status mo sa buhay. Basahin mo lang ang rebelasyon ni Madame Miriam Defensor Santiago.
ako na senador[a] at abogad[a] na, hindi ko naiintindihan kung magkano ang income ko. Ang dami palang income ng senador. Ang aking sweldo is P41,000 or P43,000 pero mayroon akong tinatanggap yata na more or less mga P1.3 million a month. Sa halaga na 'yon dapat ikaltas ang sinisweldo ko sa tauhan ko at nasa akin 'yan kung ilang tauhan ang gusto kong ilagay sa pwesto.
One point three million pesos a month?
Ikakaltas doon ang P650,000 na pansweldo. Whether buo talaga ang plantilya ko na mauubos 'yung P650,000 or kalahati lang ang plantilya ko, nasasaakin pala 'yon.
Halimbawa po 'yung P650,000 para sa sweldo. [Paano kung] kung isa lang ang empleado ninyo?
E ‘di iyo na ang lahat noon. Kung bigyan mo siya ng P50,000, may P600,000 a month ka na. Wala namang nagsisita. Hindi bale kung ibalik mo sa gobyerno, ‘di wala tayong problema.
Yung isang kaibigan ninyo diyan, si Senator Joker, hangang-hanga ako dati dahil hindi kumukuha ng empleado o kaya ay isang empleado lang. ‘Yun pala 'yung P650,000 na sinasabi [ninyong] pampasweldo sa empleado kung isa lang ang empleado niya, aba e ino-audit pa ba 'yung natitirang P600,000?
Lahat po 'yan, ma’am, lahat kayong mga senator ay P1.3 million?
[Sa] P1.3 million, P650,000 ang pwede kong ibigay na sweldo. Ang natira, [ito] ang tinatawag na Maintenance Operating and Other Expenses. ‘Yan ang maganda ngayon dahil maintenance, ibig sabihin ay magbabayad ako ng upa para sa aking satellite office. Ibig sabihin pambayad ng kuryente, tubig, office supplies, mga biyahe ng senador sa mga opisyal na imbitasyon sa kanya, mananalumpati, magkorona ng reyna. Pero mayroon pang other expenses.
Ano 'yung other expenses?
Kaya ang pagkaintindi ko na ‘yang other expenses ay hindi kinakailangang may resibo. Basta i-certify lang ng senador, I spent P500,000 for other expenses, ‘di source of income na niya 'yon.
Pabayaan na natin 'yung P1.3 million a month. Kapag nag-chairman ang senador ng isang komite, mayroon na naman siyang panibagong plantilya. Ibig sabihin, pwede na naman siyang makapagsweldo kung sino ang taong gusto niya at mayroon na naman siyang panibagong MOOE. Magkano po 'yon kung chairman?
Hindi ko nga alam, senador na nga ako hindi ko pa alam. Nabibitin akong magtingin ng mga ito kasi hindi naman ako magaling sa math na kamukha ng nanay ko. Kaya palagi akong napapagalitan [noong] bata ako; nanay ko kasi was once considered a mathematical genius.So she tended to look on us as id!*ts. Ina-assign ko 'yan sa financial director ko. At maski sabihin nila ay makakalimutan ko kaagad dahil hindi ko interested.
Anyway, maliban doon sa committee chairmanship, kung mag-miembro ng oversight committee ang senador ay may dagdag pa siyang kita doon.
Hindi lamang 'yon. Kapag nag-official ng Senado ang senador, halimbawa, siya ay Senate president, pro tempore, majority leader, minority leader, may dagdag pa siyang kita doon.
Mayroon pang mga benepisyo sa loob ng isang taon na hindi nakalista, halimbawa Christmas bonus. Basta in the course of year, mayroong mga lumilitaw 'yan na mga benepisyo. But most of them are intended only for Senate employees not for the senators. So hindi pa natin napag-usapan ang pork barrel at ang kinakaltas ng isang corrupt na public official sa pork barrel. Alam naman ninyo ang palatandaan diyan ay 10% hanggang sa ngayon ay mga 30%.
So ano po ang purpose ninyo, bakit ninyo tsini-check ito? Gusto n'yo bang hikayatin ang inyong mga kasamahan sa Senado na makiisa para mag-sacrifice o i-give up itong mga perks and privileges na ito?
Una, gusto ko na ang Senate secretariat ay maglabas ng isang dokumento na madaling maintindihan na ilista niya doon: One, senators monthly salary - P41,000. Two, appropriation for the senators office - letter A, Personal services, letter B, MOOE at ilagay kung magkano 'yon. Number three, committee appropriation. Kung chairman ka ng committee, magkano naman ang tinatanggap. Membership in the oversight committee, [ilagay kung] magkano ang tinatanggap.